Silipin ang Napakagandang Condo Unit ng Aktres na si Carla Abellana na Ngayon ay Kanyang Ibinibenta Matapos ang Walong Taong Paninirahan rito

Sino nga ba ang hindi hahanga sa taglay na karisma at ganda ng Kapuso Actress na si Carla Abellana? Isa nga ang aktres sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz na talaga namang hinahangaan ng lahat. Ngunit, hindi lamang magandang mukha ng aktres ang hinahangaan sa kanya ng publiko kundi pati na rin ang kanyang talento sa pag-arte.

Taong 2009 nang unang masilayan ang aktres sa telebisyon matapos gumanap sa adaptation ng Mexican telenovela na Rosalinda. Magmula nga noon ay madalas na natin siyang mapanood sa telebisyon mapa-pelikula man o teleserye na kung saan ay talagang ipinapamalas ang kanyang husay sa pag-arte na mas lalong minahal at hinangaan ng publiko.




Hindi naman nakapagtataka na sa kanyang pagsusumikap at kasipagan sa trabaho ay nakapagpundar siya ng mga ari-arian. Bago naman pasukin ni Carla ang showbiz, ay nagtrabaho muna siya sa Rockwell Land Corporation na kung saan ay napabilang siya sa Human Resources Department. Nagsimula ngang mangarap ang aktres na magkaroon at makabili rin ng sariling bahay sa kompanyang kanyang pinasukan noon, at hindi nga nagtagal ay nakamit niya ito kahit baguhan pa lamang siya sa showbiz.

“I bought this unit or this property during pre-selling noong bago pa lang ako sa showbiz. Binili ko siya pre-selling so hindi pa as expensive so it’s been about 6 years already more or less. I bought it, if I’m not mistaken, 2013 or 2014.”

Ngunit, matapos maalala ay itinama rin ni Carla sa video kung kailan niya nga ito mabili. At ayon kay Carla, ay 8 years na umano ito mula nang mabili niya noong 2012. Matapos nga ang walong taong paninirahan sa condo, ay nais na itong ibenta ng aktres upang pandagdag sa ipapatayo niyang dream house.

Sa vlog nga ni Carla na pinamagatang “My Condo Unit Tour”, ay inilibot niya ang mga viewers sa bawat sulok ng kanyang napakagandang condo sa The Grove by Rockwell sa Pasig. Ipinaliwag rin ng aktres ang bawat detalye sa mga nais bumili ng kanyang condo at kung paano mas makakamura sa pagbili nito.




Samantala, ibinahagi naman ni Carla na may tumingin na raw ng condo at nagkakainteres na ring bilhin ito. Kaya naman, todo umano ang kanyang pagdarasal na sana nga ay mabili na ang condo upang makapagpatayo na siya ng bahay.




Nagbigay naman ng positibong komento at reaksyon ang mga tagahanga ng aktres sa kanyang vlog.

“Happy to see your blog again ate carla,,, simple but meaningful…dream, believe , succeed ???… I’m Praying for your dream home… ate carla.. with kua tom… Love u both tomcar??? God bless poh ???”

“Nice place… real properties are absolutely good investments.. I am sure this will be sold in no time… Super ganda ng owner/seller eh.. love you”

My Condo Unit Tour (IT'S FOR SALE!)