Silipin ang Masayang  3rd-Year Friendship Anniversary Celebration Getaway ng Magkakaibigang sila Bela Padilla, Kim Chiu at Angelica Panganiban sa Subic

Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu, enjoy sa kanilang naging bakasyon sa Subic, kasabay ng pagduriwang ng kanilang friendship 3rd year anniversary.

Matapos ang naging quarantine ay masayang nagbakasyon ang magbabarkadang Anglica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu o ang “AngBeKi’s”, upang ipagdiwang ang kanilang ika-3 taong anibersaryo ng pagkakaibigan.




Nito lamang ngang ika-3 ng Oktubre ay ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang latest vlog ang unang out-of-town adventure niya kasama ang kanyang mga matatalik na kaibigan na sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Ang tatlong magkakaibigan ay masayang nagtungo sa Subiz, Zamables, upang magkaroon ng quick vacation, kasabay ng pag-celebrate nila ng kanilang ika-3 anibersaryo ng pagkakaibigan.

“AngBeKi”, yan ang itinawag ng tatlo sa kanilang grupo, kung saan ayon kay Kim ay nagmula ito sa kani-kanilang mga Twitter name, na pinagsama-sama lang nila.

“Twitter name lang yan. Pinagsama-sama yung Angelica, Bela at Kim. Sakto naman mga bakla naman kami. Babaeng bakla. AngBeKi na lang tayo”, ang naging saad nga ni Kim sa dating naging panayam sa kanya.




Bago pa man nga ang road trip ng tatlong magkakaibigan, ay ibinahagi na noon ni Kim Chiu kung gaano siya ka-excited na magbakasyon kasama ang kanyang dalawang malalapit na kaibigan sa showbiz, kung saan ay ito ang kanilang unang bakasyon, matapos magkaroon ng halos na anim na buwang quarantine.

“This is super exciting and looking forward kung ano yung magiging first outing namin in this quarantine season” ang saad nga ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess) on

Bago pa man gawin ang kanilang pagbabakasyon, ay ginawa muna ng tatlong magkakaibigan ang tradisyon na ginagawa na nila sa loob ng halos 2-taon, at ito ay ang pag-gate crash sa isang birthday party. At ito nga ay matagumpay nilang ginawa noong sila ay magpunta sa selebrasyon ng kaarawan ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Samantala, makikita nga sa vlog na ibinahagi ni Kim, ang masasayang ginawa nilang magkakaibigan sa kanilang bakasyon, at ilan nga sa mga ito ay ang pagtampisaw sa infinity swimming pool, pag-ihaw para sa kakainin nila sa dinner, at maging ang paghuhugas nila ng pinggan na magkakatulong sila ay talagang inenjoy ng magkakaibigan. Makikita rin ang naging paglalaro ng magkakaibigan ng fun card game.

Ipinagluto naman ni Angelica ng masarap na almusal ang kanyang mga kaibigan, bago sila sumakay ng speeed boat at tumungo sa kalapit na isla, upang ma-enjoy pang magswimming.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng “AngBeKi” taong 2018, kung saan ayon kay Kim ay naging malapit silang tatlo sa isa’t isa ng magsimula silang maghang-out at mas ma-enjoy nila ang “company” ng bawat isa.