Silipin ang Masayang Bonding Moments ng Mag-inang Ellen Adarna at Elias Modesto sa Isang Beach

Matatandaan na noong nakaraang taon ay naging usap-usapan ng publiko ang paghihiwalay ng aktor na si John Lloyd Cruz at sexy-actress na si Ellen Adarna. Ilang taon ring nagsama ang dating magkareslayon na kung saan ay nagbunga ng isang anak na lalaki ang kanilang pagmamahalan na pinangalanan nilang Elias.




Ngunit, nang magtagal nga, ay nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa. At upang mapalaki ng maayos ang kanilang anak kahit na hiwalay na, ay nagkaroon sila ng co-parenting set-up.

Kahit hindi sila ang itinakda ng tadhana para magsama habang-buhay, ginagawa naman nina John Lloyd at Ellen ang kanilang makakaya upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang anak at mapalaki ito ng maayos. Sa katunayan nito, kahit nasa poder ni Ellen ang anak ay hinahayaan niyang hiramin ito ng aktor ng dalawang beses sa isang linggo upang makasama.

Samantala, ilang taon na ring hindi nasisilayan si Ellen sa telebisyon at magmula nga ng lisanin niya ang industriya ng showbiz ay naging abala siya sa pagiging isang hands on Mommy kay Elias na talaga namang kanyang naeenjoy.

At kamakailan nga, ay nagkaroon ng masayang bonding ang mag-ina sa isang beach. Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Ellen ang mga larawan sa kanilang masayang bakasyon. Ilan nga sa mga larawan ay makikita na sakay ng isang jet ski ang mag-ina. Nagbahagi rin sa Ellen ng isang video clip kung saan makikita naman ang pagtalon nilang mag-ina sa tubig mula sa bangka. Makikita nga na masayang-masaya ang mag-ina sa kanilang bonding moments.




Tunay nga na talagang mahal na mahal ni Ellen ang kanyang anak. Anuman ang mga bagay na kanyang pinagkakaabalahan, ay naglalaan parin siya ng oras upang makasama at makabonding ang anak.

Samantala, matatandaan na minsan nang ibinahagi ni Ellen sa isang panayam, na wala na umano siyang balak bumalik sa mundo ng showbiz. Ito nga ay dahil abala umano siya sa pagtatrabaho sa negosyo ng kanilang pamilya. At nais rin niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa kanyang anak bilang isang hands on Mommy at makasama ang anak sa bawat milestone nito.

“No, no. I don’t want to say, like, forever, right? But definitely, not in the next seven years. I want to be with my son in his formative years.”