Silipin ang Inihandang Birthday Party ng Mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Pagdiriwang ng ika-14th Birthday ng kanilang Anak na si Princess

Ang pamilya Pacquiao ang isa sa hinahangaan at tinitingalang pamilya sa bnasa, dahil sa kanilang maranggyang pamumuhay at taglay na kayamanan. Ngunit, sa kabila nito, ay nananatili paring mapagkumbaba ang pamilya Pacquiao sa mga taong kanilang nakakasalamuha. Sa kasipagan at pagsusumikap nga ni Manny Pacquiao ay nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Ang pagsasama ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, ay talagang puno ng pagmamahalan. Hindi maikakaila na sa dami ng mga pagsubok na kanilang napagdaan, lahat ng ito’y kanilang napagtagumpayan.




Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng limang mga anak na kung saan ay napalaki nila ng maayos at mabubuting tao. Kahit pa nga, marangya ang nakagisnang pamumuhay ay napakasimple parin ng mga ito.

Samantala, nito lamang ika-2 ng Oktubre nang magdiwang ng kaarawan ang isa sa limang anak ng mag-asawa. Ito nga ang anak nilang si Mary Divine Grace Pacquiao, o mas kilala sa tawag na Princess. Araw ng Biyernes ng mag-diwang si Princess ng kanyang ika-14th Birthday sa kanilang napakagandang tahanan sa General Santos City kung saan ay dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Nagbigay naman ng pagbati si Jinkee para sa kaarawan ng kanyang anak kung saan ibinahagi niya ang mga larawang kuha sa masayang selebrasyon ng espesyal na araw nito sa loob ng kanilang tahanan.

“Happy 14th Birthday Princess. We love you soooo much!”

Ang ama naman ni Princess na si Manny, ay may simpleng pagbati sa anak kung saan ay tinawag na “my beautiful” ang may kaarawan na kanyang ibinahagi naman sa Instagram story.

“Happy Birthday my beautiful @marypacquiao”





Makikita naman na punong-puno ng saya ang naging pagdiriwang ng kaarawan ni Princess. Ito nga ay dahil tiniyak ni Jinkee na ma-enjoy at mabigyan ng masayang pagdiriwang ang anak sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa. At tulad ng kanyang pangalang Princess, ay nagmistulang prinsesa rin ito kung saan ay nakaupo sa pink na upuan, at napapalamutian naman ng kulay purple at pink na lobo ang napakagandang venue.

Samantala, ang apat naman sa anak ng mag-asawang Manny at Jinkee ay sina Emmanuel, Michael, Queen Elizabeth, at bunsong si Israel. At sa araw ng kaarawan ni Princess, ay talagang ipinakita nila ang kanilang pagsuporta at pagmamahal sa kanilang kapatid.