Silipin ang Ikalawang Palapag ng Napakaganda at Napakalaking Bahay ni Meme Vice Ganda sa Part 2 ng Kanyang House Tour

Kamakailan nga ay nalaglag ang ating mga panga dahil sa paghanga sa Unkabogable Star na si Vice Ganda. Ito nga ay matapos ipasilip ni Meme Vice sa kanyang mga tagahanga ang kanyang napakalaki at napakagandang bahay na may kabuuang sukat na 1300 sqm.

Una nating nasilayan sa part 1 ng house tour ni Meme Vice ang unang palapag ng kanyang tahanan kung saan nakita natin kung gaano ito kalawak magmula sa living area, dining area, entertainment room, quarter’s room at spa. Ang higit namang nakakamangha ay ang pool area na mala-holly wood ang dating dahil sa maganda nitong disenyo na gawa sa salamin. Samahan pa ng magandang kombinasyon ng pailaw na talagang bagay na bagay sa disenyo ng pool.




Kung namangha na tayo sa part 1 ng house tour ni Meme Vice, tiyak naman na hindi lang panga natin ang malalag sa paghanga, kundi pati narin ang ating mga mata ay mapapaluwa sa sobrang ganda ng kanyang tahanan.

May dalawang paraan upang makaakyat sa 2nd floor ng bahay ni Meme Vice, gamit ang elevator at hagdan. Ngunit, sa pagkakataong ito ay hagdan ang ginamit ng komedyante patungo sa 2nd floor ng bahay. Pag-akyat pa lang nga, ay sasalubong na ang ganda ng pailaw sa pader na nagsilbing disenyo. At mas maganda itong pagmasdan pagsapit ng gabi kung saan ay talagang makikita ang ganda nito.

Unang ipinasilip ni Meme Vice ang guest room, na ayon sa komedyante ay hindi pa niya alam kung sino ay matutulog sa silid. Ang guest room ay may sariling walk-in closet, may storage room at may sarili ring banyo. Bagama’t, wala pang makikitang kagamitan rito, ngayon pa lang ay napakaganda na nga ng silid.




Sumunod namang ipinasilip ni Meme Vice ang nakakalula sa laki niyang walk-in closet. Ayon nga kay Meme Vice, ay mas malaki pa ito sa master’s bedroom. Dito nga makikita ang mga nakahandang lagayan ng kanyang mga damit, gowns, at sapatos. Dito na rin si Meme Vice aayusan sa tuwing may dadaluhan siyang event kung kaya’t may make up area na rin dito at may lamesa kung saan pwede namang ilatag ang kasuotan na nais niyang suotin. Sa dami nga ng mga estante at kabinet na dapat paglagyan, ay masasabi na talagang napakaraming kasuotan ni Meme Vice na ilalagay rito.

 

Mapapa-wow naman ang sinumang makakapasok sa personal toilet and bath ni Meme Vice. Bukod nga sa napakagandang disenyo na makikita sa loob nito, ay may nakakalula ring presyo ang mga kagamitan sa loob nito. Isa na nga rito ang bathtub na nagkakahalaga ng P800,000 na nagmula pa sa Spain.

May automatic at di remote ring bowl na makikita rito na nagkakahalaga naman ng P250,000. Ang shower naman ni Meme Vice, ay bongga rin ang dating dahil ang tubig na lumalabas rito ay umiilaw na may tatlong kulay. Natitimpla rin ang temperatura ng tubig sa naisin niyang timpla. Sa ganda nga ng banyo ni Meme Vice na talagang yayamanin, ay tiyak na maeenjoy siya rito.

 

Photo credits: Vice Ganda | Youtube

May pasilip rin si Meme Vice sa Master’s bedroom na may napakalawak na espasyo. Wala pang makikitang kasangkapan sa loob ng silid maliban sa kamang nakalagay na rito. Ang master’s bedroom, ay may veranda rin kung saan makikita ang ganda ng tanawin ng pool area.

 

Ngayon nga ay wala pang mga kagamitang makikita sa loob ng napakalaking bahay ni Meme Vice. Ngunit, nangako naman ang komedyante na kapag nakaayos na ang lahat ay muli niyang ipapasilip sa kanyang mga tagahanga ang ganda at magiging disenyo sa loob ng kanyang tahanan.




Ipinasilip rin ni Meme Vice ang hitsura ng kabuuan ng bahay pagsapit ng gabi. At ang mga pailaw nga sa paligid at loob ng tahanan ni Meme Vice na nagsisilbing disenyo ay sadyang napakaganda.
Sa huling bahagi naman ng video, ay may nakakaantig at nakakainspire na mensahe si Meme Vice para sa mga taong malaki rin ang pangarap sa buhay na tulad niya. Nagmula nga sa hirap ang Unkabogable Star, ngunit dahil sa kanyang pagsisikap at hindi pagsuko sa pangarap ay kanya ng natupad ang minimithi niyang pangarap, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati narin sa kanyang pamilya.

“There are people who will wish to fail. But you were born to make it. You are success waiting to happen. Dare to dream big. Work hard to build your dreams. Let your dreams find a home.”

My New Valurs (PART 2)