Silipin ang Buhay Ngayon ng Napakagandang Mexican Star na si Thalia, Ang Gumanap sa Telenovelang Marimar

Hindi maikakaila na isa sa libangan nating mga Pinoy ang panonood ng telebisyon. Marami nga sa atin ang talagang humahanga sa mga magagandang palabas, lalo na sa drama na kung saan ay naaantig ang ating mga damdamin dahil sa ganda ng eksena.

Sa pagdaan naman ng panahon, ay marami na tayong napanood na mga naggagandahang drama tulad ng mga kinagiliwan nating Mexican drama. Ngunit, ngayon nga ay mapapanood na rin online ang Korean drama at American drama.




Bagama’t, may mga bagong drama nang mapapanood online, hindi pa rin natin maitatanggi na ang Mexican drama, ang unang nagpaantig at tumatak sa ating mga puso’t isipan. At isa nga sa talagang hinangaan nating Mexican star, na nagbigay saya at nagpaiyak sa atin dahil sa kanyang husay sa pag-arte ay si Thalia.

Ilan ulit na nating nasilayan ang magandang mukha at husay sa pag-arte ni Thalia sa mga ginampanan niyang telenovela. Ilan nga sa mga kilalang telenovelas na napanood na natin sa telebsiyon na kanyang ginampanan ay Marimar, Maria La Del Barrio, Rosalinda, at Maria Mercedes. Ngunit, sa Marimar unang ipinamalas ni Thalia ang kanyang kahanga-hangang talento.

Photo credits: Thalia | Instagram

Sa loob nga ng halos isang dekada, ay pinahanga ni Thalia ang mga manonood sa kanyang angking talento. At sa dami nga ng kanyang nagawang telenovela na napanood sa 180 na bansa, hindi nakapagtataka na mabansagan siyang “Queen of Telenovelas”.

Photo credits: Thalia | Instagram

Matapos naman ang matagumpay na palabas ni Thalia sa iba’t ibang bansa, ay patuloy pa ring namamayagpag ang karera niya bilang mahusay na artista Mexico. Maging ang singer career ni Thalia, ay namamayagpag rin. Noong 2017 nga, ay nagkaroon pa siya ng concert tour at album. Dahil nga, sa kanyang kanyang legasiya pagdating sa Latin pop music sa loob ng tatlong dekada, ay kinilala rin siya bilang “Queen of Latin Pop”.

Photo credits: Thalia | Instagram

Hindi nakapagtataka na ang kanyang pagsisikap sa trabaho ay nagbunga na at nakamtam na niya ang tamis ng tagumpay. Dahil nga sa kanyang katanyagan, sipag at tiyaga, ay may nakakalulang net worth na $60 Million si Thalia, kung saan ay masaya niyang tinatamasa ang marangyang pamumuhay ngayon.




Photo credits: Thalia | Instagram

Samantala, bukod naman sa matagumpay niyang karera, ngayon nga ay masaya na siyang namumuhay kasama ang kanyang pamilya. Ang napangasawa ni Thalia ay si Tommy Mottola kung saan ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak na sina Sabrina Sakae at Matthew Alejandro.

Photo credits: Thalia | Instagram

Labing pitong taon nang masayang nagsasama sina Thalia at Tommy, kung saan ay sinubok na ng panahon ang kanilang pagsasama. Kaya naman, makikita na talagang matatag na ang kanilang relasyon na kung saan ay mahal na mahal ang isa’t isa.