Hindi nga mabibilang ang mga mamahaling bags at sapatos ng Queen of All-Media na si Kris Aquino, ito ay dahil nga naman sa noong siya ay madalas pang makita sa telebiyson dahil sa kanyang pagiging isang host at aktres, ay iba’t ibang sapatos, damit o bags ang kanyang sinusuot.
At ngyon nga na bihira na itong lumabas ng tahanan, ay inamin nito na marami sa kanyang mga kagamitan tulad ng mga bags at sapatos, ang hindi niya nagamit o hindi na niya nagagamit pa, dahil nga sa lagi na lamang naman siyang nasa loob ng kanilang tahanan.
Sa isang panayam kay Kris ng Pep.ph noong araw ng Martes, ika-20 ng Oktubre 2020, sa isang Zoom interview, ay sinabi nito na, kung magkakaraoon siya ng future daughter-in-law ay hindi mapupunta dito ang kanyang mga mamamahaling bags at sapatos, na hindi na niya nagagamit.
Photo credits: google.com
Ayon nga sa naging panayam kay Kris, matapos niyang ma-lockdown ng halos dalawang buwan sa Puerto Galera, dahil sa p@ndemya, ay muli niyang nasilayan ang kanyang mga mamahaling mga kagamitan sa kanyang bahay sa Pasig City, tulad na lamang nga ng kanyang mga mamamahaling mga damit, sapatos at mga bags.
Photo credits: google.com
“I realized how many pairs of shoes I haven’t worn. And I realized how many bags I have not used. And since I’m not going out, what’s the point? I don’t have a daughter, so wala namang makikinabang.”
Batid natin na ang mga anak ni Kris Aquino, ay dalawang lalaki lamang, at ito ay sina Josh at Bimbi, kaya naman talagang walang magmamana sa mga ito ng mga mamahaling kagamitan ng kanilang ina.
Photo credits: google.com
Ibinahagi rin ng Queen of All-Media, na kung magkakaroon man siya ng future daughter-in-law, ay hindi rin niya umano ibibigay ang mga ito dio, at mas pipiliin pa na sa charity mapunta ang kanyang mga mamahaking mga bags at sapatos.
“And I don’t even think that I’m gonna like my future daughter-in-law. We’re moving 10 years forward already!
“You know, whoever it is that Bimb’s gonna end up with, she’s not getting any of my bags, or any of my things. I’m gonna donate it to charity, so don’t think about it.”
Anong “say” niyo sa naging pahiwatig na ito ni Kris para sa kanyang future daughter-in-law?
Photo credits: google.com
Samantala, noong ika-3 ng Oktubre, ay muling nagbahagi si Kris ng larawan niya kung saan kasama niya ang kanyang dalawang anak na para sa kanya ay ang kanyang “Towers of Love” na sina Josh at Bimbi, kung saan ay makikita nga sa larawan kung gaano na katangkad ang mga ito, dahil sa hanggang balikat na lamang siya ng mga ito.