Seksi Aktres na si Ivana Alawi Lakas Loob na Inamin na Ultimate Crush Niya sa Showbiz ang Aktor na si Paulo Avelino

Sa taglay na kagandahan at napakagandang hubog ng katawan ng aktres na si Ivana Alawi, hindi nakapagtataka na marami ang nahuhumaling at humahanga sa kanya. Ngunit, sa kabila nito ay nananatili pa ring single ang aktres hanggang ngayon.




Kung siya nga ay hinahangaan ng marami, ay humahanga rin ang aktres sa mga gwapo at makikisig na aktor sa showbiz. At kamakailan nga, ay may naganap na pag-amin mula kay Ivana kung sino ang ultimate crush niya sa showbiz.

Photo credits: Ivana Alawi | Instagram

Sa virtual presscon ng pelikulang “Sitsit” kung saan ang producer ay ang aktor na si Paulo Avelino, at si Ivana naman ang gaganap na bida sa episode nitong “Aswang”, ay hindi na nga naitago pa ng aktres ang kanyang nararamdaman. Ayon nga kay Ivana, ay nahihiya siya sapagkat hindi niya akalain na makakatrabaho niya ang isa sa kanyang ultimate crush sa showbiz kahit hindi niya nakaeksena sa harap ng camera.

Photo credits: Paulo Avelino | Instagram

Pag-amin nga ni Ivana ay dati niya umanong crush ang aktor na si Paulo Avelino, kung kaya’t napre-pressure rin siya sa tuwing kaharap ito. Pagbabahagi naman ng aktres, bagama’t, tahimik umanong tao si Paulo, ay napakamaalalahanin naman nito.

“Si Paulo tahimik, sobrang tahimik. Ano kasi nung nagka-eksena kami na-pressure ako kasi dati crush ko si Paulo. Nung nakita ko siya sobrang tahimik at dun lang siya sa isang puwesto. Pero very caring kasi lagi siyang nag-che-check in, kumusta, may something ba, may problema ba, so na-appreciate ko naman yun.”




Samantala, sa nalalapit na pag-ere ng kauna-unahang digital horror film ni Ivana na Sitsit sa October 31, ay ibinahagi ng aktres na hindi umano niya nais makuha ang titulo bilang “Horror Princess”, bukod nga sa hindi niya gusto ang titulo, ay nais lang umano niyang magbigay ng kasiyahan sa mga manonood.

Photo credits: Paulo Avelino | Instagram

Masaya ring ikwenento ni Ivana na masayang katrabaho si Director Erin Pascual at si Paulo Avelino bilang producer na naroon magsimula pa lamang ng kanilang shooting. Ayon naman sa aktres, ay tinuturuan at inaalalayan siyang mabuti sa bawat eksena ng mga ito. Hindi rin daw nagkukulang ang mga ito na tulungan siya sa tuwing nahihirapan sa eksena.

“This one kasi it wasn’t really hard kasi si direk Erin Pascual he was really easy to work with and nakaktutok siya and he helps me, kunwari may scene ako na nahihirapan ako. Pati si Paulo (Avelino) so they helped internalize. Minsan na-se-stress ako kasi yung scenes were outdoor. Sobrang sexy ng suot ko. Yung mga lalake nakatingin. Sabi ko hindi ako makapag-eksena, hindi ako makaiyak kasi parang yung brain ko nandito so they would always help me out.”