Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ay isa sa itinuturing na pinakamahusay na mang-aawit sa ating bansa. Kilala rin sa Sarah bilang isang mahusay na artista sa showbiz. Mahabang panahon na ring nasa industriya si Sarah, at hindi lang basta-basta ang halaga ng kanyang kinikita bilang singer at aktres sa industriya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na kahit malaki ang halagang kinikita niya sa bawat proyektong kanyang ginagawa, ay hindi naman siya ang humahawak ng sariling pera magmula ng sumabak siya sa showbiz kundi ang kanyang ina na si Mommy Divine.
Ngunit, nagbago ang lahat matapos niyang maikasal sa aktor na si Matteo Guidicelli noong nakaraang Pebrero ng taong kasalukuyan. Dahil matapos ang mahabang panahon, ay nabigyan ng pagkakataon si Sarah na hawakan ang sarili niyang pera.
Photo credits: Sarah G | Instagram
Kamakailan nga, ay ibinahagi ng Popstar Royalty nang makapanayam ng press sa insurance company na Manulife. Ayon nga kay Sarah, ay tila napabilis ang kanyang pagtanda dahil sa dami ng mga bagay na kanyang natutunan lalo na ngayong siya na ang humahawak ng sariling perang kanyang kinikita. At ngayon nga, ay natutunan na umano niyang magbudget at mag-invest.
“To be honest, na-expedite ‘yung adulting ko. Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest.”
Photo credits: Matteo G | Instagram
Bagama’t si Mommy Divine ang humahawak ng pera ni Sarah noon at nagkaroon ng lamat ang relasyon dahil sa kontrobersyal na kasalan, ay malaki parin ang pasasalamat ng singer-actress sa kanyang ina. Ito nga ay dahil gagawin umano nito ang lahat para sa kanilang pamilya.
“Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya, para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband.”
Pag-amin naman ng Popstar Royalty, ay nasanay umano siyang nakadepende sa kanyang Mommy Divine at Tatay Delfin sa loob ng maraming taon. Ngunit, nag-iba na nga ngayon ang prayoridad ni Sarah, dahil may asawa na siya at malapit na ring bumuo ng sariling pamilya.
“I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama and daddy. I keep reminding myself now na hindi na ako single. I have to accept na hindi na ako single.”
“Iba na ang priority ko sa buhay, my priority now is my husband kasi yun ang reality ng buhay ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will be building with your husband.”
Photo credits: Sarah G | Instagram
Ngayon nga na si Sarah na ang humahawak ng sariling perang kinikita ay nagkaroon ng pagkakataon ang singer, na matutunan ang lahat para sa kanyang prayoridad ngayon, ang kanyang asawa at ang nalalapit nilang pagbuo ng masayang pamilya.