Rhian Ramos, Ipinasilip ang Kanyang Condo Unit na Tinirhan niya ng Mahigit Isa’t Kalahating Taon na Ngayon ay Lilisanin niya na

Hindi maitatanggi na ang ilan sa atin ay madaling ma-attach sa mga bagay na may kinalaman sa ating buhay lalo kung naging parte ito ng ating pamumuhay sa mahabang panahon. Katulad na lamang nga ng ating mga tahanan kung saan tayo bumuo ng masasayang alaala kasama ang ating mga mahal sa buhay. Magmula nga sa pagdilat ng ating mga mata sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi, ay ang ating tahanan ang una at huli nating nasisilayan.




Kaya naman, iba ang hatid na lungkot kapag hindi tayo nakakauwi kung saan ay nakakaramdam tayo ng pagkahome sick. Ano pa kaya kung ang bahay na naging tahanan natin ng mahabang panahon ay ating lisanin?

Labis nga ang kalungkutang nadarama ng aktres na si Rhian Ramos sa kanyang house tour vlog habang ipinapasyal ang kanyang mga tagahanga sa bawat bahagi ng kanyang napakagandang condo unit.

Matagal nang kahilingan ng mga tagahanga ni Rhian ang masilip ang kanyang humble home. At kamakailan nga, ay masaya niyang pinagbuksan ng pinto ang kanyang mga tagahanga sa isang virtual house tour.

Ibinahagi naman ng aktres na ngayong quarantine ay mas na-realize niya kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyang condo unit na naging tahanan niya ng isang taon at kalahati magmula ng umuwi galing New York. Ang naturang bahay nga ni Rhian ang nagsisilbi niyang “everything” na kung saan ay lahat ng bagay sa buhay niya ay dito na niya ginagawa.

Isang simple ngunit may modernong disenyo ang unit na ito ni Rhian. Masisilayan rin ang malawak at maaliwalas na kapaligiran sa tahanan ng aktres na sadyang napakalinis. Ito nga ay dahil kombinasyong kulay ng disenyo na puti, itim at gray na talaga namang bumagay sa tahanan ni Rhian.

Samantala, sa living area at dining area ang paboritong tumambay ng aktres. Bukod nga sa makakapagrelax ang aktres sa malaking couch, ay makikita rin sa glass window ang magandang tanawin sa labas at ibabang bahagi ng condo.

Proud namang ibinahagi ng aktres na siya mismo ang naglilinis at nagsasaayoa ng mga kagamitan sa loob ng kanyang tahanan. Nais nga ng aktres na manatiling malinis at maayos pagmasdan ang loob ng kanyang tahanan. Lahat naman ng kailangan ng aktres ay makikita na sa loob ng kanyang condo.




Hindi naman napigilan ni Rhian ang maging emosyunal habang ginagawa ang house tour. Ito nga ay dahil malapit na siyang umalis sa kanyang napakagandang bahay at lilipat na ng bagong tirahan.

“Today, I’m making an exception because this is the first place that I’ve lived away from my family. And now I’m getting very sentimental about it coz basically the COVID quarantine was so long. Naabutan na kmi ng finish contract and in about three weeks, we’ll gonna be moving”.