Rachelle Ann Go, Ikwenento sa kanyang Vlog Kung Paano Nagsimula ang Kanilang Nakakakilig na Love Story ng Asawang si Martin Spies

Ang International theater actress at singer na si Rachelle Ann Go ay sadyang napakapalad sa buhay. Ang kanyang karera nga ay namayagpag ng todo nang maging bahagi siya ng Miss Saigon at Hamilton.

Ang kanyang buhay pag-ibig naman ay napakakulay rin dahil sa ligayang hatid ng kanyang asawang si Martin Spies na isang American Businessman. Ikinasal ang dalawa noong April 18, 2018 sa napakagandang isla ng Boracay kung saan naging saksi sa kanilang pagmamahalan ang kanilang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.




Ngunit, paano nga ba sila nagkakakilala at paano nagsimula ang kanilang kakakilig na love story?
Ito nga ibinahagi ng 34-taong gulang theater actress at singer kamakailan. Ang unang pagkikita nina Rachelle at Martin ay nangyari sa New York noon habang nasa Broadway ng Miss Saigon siya.

Photo credits: Rachel Ann Go | YouTube Channel

Pagbubunyag nga ng singer ay sa school auditorium niya unang nakita si Martin habang umaattend ng Sunday Service sa isang Christian Church.

Tila nga, napakaespesyal ng kanilang unang pagkikita dahil sa tahanan sila ng Diyos pinagtagpo ng tadhana. At nang makita nga ang lalaking nakatayo sa gilid na bahagi ng silid, ay alam na agad ni Rachelle na ito na ang lalaking kanyang papakasalan at makakasama habang buhay.

“I was walking down the aisle. Naramdaman ko lang may nakatayo. Someone was standing like in the corner. Napatingin lang ako. Nag-palpitate. Napa-double look ako. Pero nag-slow mo talaga. Sabi ko talaga ‘This is the guy I’m going to marry’. Ganu’n. Talagang ganu’n sinabi ko.”

Ngunit, dahil nga nasa lugar siya upang papurihan ang Diyos, ay minabuti ng singer na magpokus sa kanyang ginagawa at huwag tumingin sa iba. Ito nga ang unang pagkakataon na nakita niya si Martin.

Photo credits: Rachel Ann Go | Instagram

Samantala, bago pa man niya makita si Martin, ay isang Pinay na kaibigan ni Rachelle ang nagpakilala sa kanya ng naturang Christian Church at sinabi na mayroon umanong isang natatanging lalaki na “good looking” sa church.




Ngunit, lingid nga sa kaalaman ng singer, ang naturang lalaki ang nakita niya noong unang araw na umattend siya ng Sunday Service.

“The following week Tita Ritz went with me. And then after the service, Tita Ritz was like ‘Shin, the guy I was talking about, he’s here.’ So sabi ko ‘Tita, ayokong makilala.’ So hinila ako. Siyempre poker face. So that’s how I felt the first time I saw you. I was like so nervous. And then I told her, ‘Tita, that was the guy I saw last week and I told myself that’s the guy I’m going to marry.”

Nagbalik-tanaw naman si Martin, kung kailan nagsimulang magustuhan niya si Rachelle. At dahil nga, interesado rin si Martin makilala si Rachelle, matapos silang ipakilala ng kanilang mutual friend na si Tita Ritz, ay agad namang siyang gumawa ng paraan upang makilala ang singer. Ayon nga rito, ay nag-research siya sa internet patungkol sa pagkatao ni Rachelle.

Photo credits: Rachel Ann Go | Instagram

“And then that second Sunday that you were, that’s when I was coming down the stairs into the auditorium and I saw Ritz and you were standing behind her and she introduced us. And I was wondering, ‘Wow who is this new member of the Church?’ So then, after that I started asking around and Googling a little bit. No, I might have checked Wikipedia.”

At sa tulong nga ng kanilang mutual friend, ay muling pinagtagpo sina Rachelle at Martin na kung saan ay alam nito na talagang gusto na nila ang isa’t isa kung kaya’t ito ay nag-set up ng hang out para sa kanila.




Kahit nga masama ang panahon sa oras na iyon ay hindi ito alintana ni Martin, sapagkat umaasa siyang naroon ang taong nais niyang makita.

“When the day came, there was a massive blizzard in New York City and everyone was kind of thinking ‘Are we going to cancel it?’ Because usually blizzards in New York it’s messy and icy. But I was pushing everyone to go ahead with it because I was hoping this person would show up there — Shin. So I didn’t want them to cancel it.”

Photo credits: Rachel Ann Go | Instagram

Pagbabahagi naman ni Rachelle, ay naging espesyal ang gabing iyon para sa kanilang dalawa ni Martin. Ito nga ay dahil talagang ramdam na ramdam niya ang mga salitang nagmumula sa bibig nito. At doon pa lang ay alam na ni Rachelle na ito na nga ang kanyang hinihintay na “the one” sa buhay niya.

“I was so happy that night happened because it was just really special,” she said. “I guess Martin that night he was asking me questions that I wanted a man to ask me. Talagang napapa-wow ako. Every time he asks me something, napapa-pause ako. Tagos sa puso ‘yung mga tanong niya. Sabi ko ito na ‘yun. He’s the one talaga.”

At ngayon nga, ay masayang nagsasama ang mag-asawa sa London kung saan ay nakabili na rin sila ng sariling bahay kamakailan. Tunay nga na kapag ang tadhana na ang gumawa ng paraan upang matagpuan ang tamang taong magbibigay kulay at saya sa buhay, ay tiyak na wala ng makakahadlang pa.