Pinay OFW, Naiyak sa Labis na Kaligayahan Matapos Regaluhan ng Bahay ng Kanyang Amo

Lahat naman tayo ay nagsusumikap sa buhay upang magkaroon ng maayos at magandang buhay. Dahil nga sa hirap ng buhay, ang ilan sa ating mga kababayan ay naglalakas-loob na makipagsapalaran sa ibang bansa bilang OFW. Isang trabaho na sadyang napakahirap dahil mapapalayo sa pamilya, at lungkot ang kalaban habang nananatili sa ibang bansa.

Ngunit, sa kabila nito ay mas iniisip parin ng magigiting na OFW ang kapakanan ng kanilang pamilya upang mabigyan ng magandang kinabukasan. Kaya naman, karapat-dapat lamang na suklian ang kanilang kasipagan at sakripisyo bilang OFW.




At kamakailan nga, ay marami ang pusong naantig matapos mapanood ang viral video kung saan niregaluhan ng kanyang amo ang isang OFW. Ang mapalad na OFW sa video, ay nagngangalang Angel, samantalang ang kanyang napakabuting amo ay isang sikat na vlogger na mas kilala bilang “The Hungry Syrian Wanderer”.

Photo credits: The Hungry Syrian Wanderer | Instagram

Kilala ang vlogger na “The Hungry Syrian Wanderer” bilang si Basel Manadil, isang Syrian na kasalukuyang namamalagi sa bansang Pilipinas upang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan. Bagama’t, may dugong Syrian, ay may pusong Pinoy naman si Basel na talagang napakabuti at malaki ang pagmamahal sa mga Pilipino.




At isa nga si Angel sa mapalad na naranasan ang kabutihan ng vlogger. Sa video na ibinahagi ni Basel sa kanyang YouTube Channel, mapapanood ang isinagawang surpresa nito sa mismong kaarawan ni Angel. Kung saan ay naging kasabwat pa nito ang iba pang empleyado upang maging matagumpay ang surpresa kay Angel.

Photo credits: The Hungry Syrian Wanderer | Youtube

At bilang amo ni Angel, sinuklian ni Basel ang kasipagan ni Angel ng surpresang bahay. Bagay na halos hindi makapaniwala si Angel at naiyak pa dahil sa labis na kaligayahan. Ayon naman sa amo ni Angel, ay bahay ang naisipan niyang iregalo sa kanyang empleyado dahil narin sa alam niyang mas higit itong kailangan ni Angel.

Photo credits: The Hungry Syrian Wanderer | Instagram

Maliban sa bahay, ay tiniyak rin ni Basel na bibigyan niya si Angel ng mga kagamitang kakailanganin sa loob ng bahay. Hindi nga matawaran ang kaligayahan ni Angel sa ginawang ito ni Basel. Samantala, dahil nga dating OFW si Angel, ay alam ni Basel kung gaano kahirap ang magtrabaho sa malayo at mawalay sa pamilya kung kaya’t ayaw na itong paalisin ng kanyang amo upang magtrabaho sa ibang bansa.

Si Basel ay nangungupahan lamang habang namamalagi sa bansa. Ngunit, sa kabila nito ay mas pinili niyang mangupahan dahil mahal niya ang Pilipinas at nais niyang mamalagi dito. Kahanga-hanga naman na kahit nangungupahan ay mas inuna pa ng vlogger ang kapakanan ng kanyang empleyado na bigyan ng isang bahay.

Surprising My FILIPINA Staff (Former OFW 🇵🇭 in Kuwait) a FREE HOUSE! For REAL