‘Ngayon ko lang kaya magsalita’: Ina ni Lloyd Cadena na si Mother Kween, Nagsalita na Tungkol sa Pagkawala ng kanyang Anak

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cafe Cadena, matapos ang tatlong linggo magmula nang pumanaw ng kanyang anak. Si Mommy Lorita Cadena o mas kilala ng mga netizens bilang “Mother Kween”, ang ina ni Lloyd at madalas na kasama ng yumaong vlogger sa kanyang mga vlogs. At tulad ng anak na si Lloyd o Kween LC, ay isa na ring vlogger si Mother Kween.

Matatandaan na marami ang nalungkot sa pagkawala ni Kween LC, na talaga namang nag-iwan sa puso ng bawat isa ng saya at kaligayahan, hindi lamang sa kanyang mga nakakatuwang mga vlogs kundi pati na rin ang kanyang kabutihan.




Matatandaan naman na una ng nagsalita ang ama ni Lloyd na isang OFW, patungkol sa pagkawala ng kanyang anak. Bagama’t, hindi nakauwi ng Pilipinas upang masilayan sa huling sandali ang anak, idinaan na lamang nito ang nakakaiyak na mensahe para sa anak sa isang video. Hindi nga halos nito matanggap ang pagkawala ng anak.

At kamakailan lamang, araw ng Miyerkules, ika-30 ng Setyembre ay nagsalita na rin ang ina ni Lloyd. Sa isang video ipinaabot ni Mother Kween ang kanyang mensahe patungkol sa pagkawala ng anak. Pinasalamatan nga nito ang mga taong sumuporta at tumulong sa kanila, lalo na ang vlogger na si Ivana. Nagbigay rin ito ng mensahe sa taong nagkukunwari at ginagamit ang pangalan niya online.

Photo credits: Lloyd Cafe Cadena | Instagram 

Pagsisimula ni Mother Kween sa video, ay sinabi nito na ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob at naging handang magsalita upang magbigay ng mensahe tungkol sa pagkawala ng anak.

“Ngayon lang ako magsalita, kasi ngayon ko lang kaya magsalita.”

Matapos magpasalamat sa mga taong tumulong, sumuporta, at nagpaabot ng panalangin sa kanilang pamilya, ay nangako naman itong palaging magbibigay ng update sa kanyang mga vlogs, lalo na sa bahay na binili ni Lloyd para sa kanya na bunga ng pagsisikap nito sa vlogging.

Dahil nga, nagpositibo sa sakit na COVID-19 ang resulta ng test ng yumaong vlogger, nilinaw naman ni Mother Kween na nagpa-test rin silang mga kasama ni Lloyd sa bahay, at naging negatibo ang resulta kung kaya’t wala nang dapat alalahanin.

Photo credits: Mother Kween Vlogs | Youtube

Samantala, inamin naman ni Mother Kween na hindi madaling tanggapin ang pagkawala ng anak. Ayon nga rito, ay napakahirap tanggapin ang nangyari, ngunit hiniram lang umano nito si Lloyd sa Maykapal kung kaya’t wala siyang magagawa.




“Pero wala na tayong magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd.”

Ika-4 nang Setyembre, nang mapabalita ang pagpanaw ng napakabuting vlogger na si Lloyd Cadena. At ang biglaang pagpanaw nito, ay ikinagulat at ikinalungkot ng lahat. Bagama’t, wala na si Kween LC, mananatili parin sa ating mga puso’t isipan ang kanyang mga masasayang alaala at kabutihan.

Photo credits: Lloyd Cafe Cadena | Instagram

Marami sa kanyang mga tagahanga, mga kaibigan at kapwa vlogger ang nagbigay ng mga nakakaantig na mensahe at tribute nitong nakaraang buwan nang magdiwang ang yumaong vlogger ng kanyang ika-26th birthday kung saan inalala kung gaano kabuting tao ang masayahing si Lloyd.

Mother Kween's Message...