New Mommy Sofia Andres, Namangha sa Transformation ng Nursery Room ni Baby Zoe na May Napakaganda at Eleganteng Disenyo

Ang new mommy na si Sofia Andres ay talagang napakahands-on sa panganay na anak nila ng nobyong si Daniel Miranda na si Baby Zoe. At bilang isang new mom, isa nga sa pinaghandaan ni Sofia ang magiging baby room ni Baby Zoe kung saan ay magiging komportable at maeenjoy nito ang silid.




At kamakailan nga, ay nakipag-ugnayan si Sofia sa isa sa pinakamahusay na designer pagdating sa pagsasaayos ng bahay. Ito nga ang Moss Design House interior designer na sina Cyndi Fernandez at asawa nitong si Mado Beltran.

Matatandaan na minsan ng naitampok ng Moss Design ang bahay ng aktres na si Bela Padilla kung saan ay binigyan ng napakagandang make-over na may Boho-themed design na naisakatuparan sa loob lamang ng tatlong araw.

At tulad nga ng bahay ni Bela, ay magsasagawa rin ng tinatawag na home fluffing sa tahanan ng aktres na si Sofia Andres. Ito nga ay magkakaroon ng renovation na hindi kinakailangan ng malawak na construction sa pagpapaganda ng bahay sa loob lamang ng tatlong araw. At sa pagkakataong ito, ang nais ipagawa ni Sofia sa Moss Design House ay ang nursery room ng kanyang anak.

Bago nga simulan ang renovation sa magiging nursery room ni Baby Zoe, ay ipinakita at ipinaliwanag muna ni Cyndi ang magiging disenyo at hitsura ng silid kay Sofia.




Ang magiging nursery room nga ni Baby Zoe ay talagang pinag-isipang mabuti ang magiging disenyo. Ito nga ay may nursery lounge, play area, nursery dresser, bench seating, display shelving, at cradle area. Samantalang ang tema naman ng kulay na ginamit ay blush at plush tones. Sa kabuuang silid nga ay masisilayan ang neutral shades. Kahanga-hanga naman ang resulta ng tema ng napiling kulay para sa silid. Ito ay nagkaroon ng napaka-classy at eleganteng disenyo. Tiyak na magiging komportable at maeenjoy ni Baby Zoe ang kanyang bagong silid.

Gumamit rin ng magandang disenyo ng wallpaper at mahabang kurtina na mula sa ceiling hanggang sa sahig upang magmukhang mataas ang silid. Samantalang ang crib naman, ay may canopy at nilagyan ng magandang disenyo.

Hindi nga maikakaila na napakaganda ng naging resulta ng renovation, at malayong-malayo na ito sa dating silid ni Baby Zoe. Nang masilayan nga nina Sofia at Daniel ang bagong silid ni Baby Zoe, ay napahanga ang magkasintahan sa bago at napakaganda nitong disenyo. Ayon nga sa mga ito, ay tamang-tama ang shade na napili dahil hindi ito masakit sa mata at talagang mararamdam ang pagiging baby pagpasok sa silid.

Transforming Sofia Andres’ Baby Zoe’s room in less than 3 days