Netizen, Proud na Ibinahagi ang Pagiging Gentleman ng Lalaking Nakasabay niya sa Jeep Matapos nito Ibigay sakanya ang Damit Pantakip sa kanyang Hita

Napapansin natin na sa panahon ngayon, ay tila kakaunti na lamang ang mga kalalakihan na marunong gumalang at magbigay respeto sa mga kababaihan. Dahil aminin man natin o hindi ay marami sa mga kalalakihan ngayon, ay talaga namang imbis na magbigay galang at respeto sa mga babae ay binibigyang malisya pa ang kasuotan ng mmga ito, lalo na kung ito’y nagiging kaakit-akit sa kanilang mga mata.

Photo credits: Clong Clong | Facebook

Ngunit, hindi nga naman natin kailangan lahatin ng lalaki ay ganito dahil mayroon pa rin talagang mga kalalakihan na nanatili ang pagiging gentleman at ito’y ipinapakita nila sa paraan na alam nila.

Katulad na nga lamang ng kamakailan lamang nakwento ng isang babae na nagbahagi ng kanyang karanasan sa jeep, kung saan ay napatunayan niya na mayroon pa ring mga lalaki sa mundo, ang nananatiling ‘gentleman’ at alam kung paano ang magbigay ng pag-galang at respeto sa babaeng tulad niya.

Ayon nga sa babaeng nakilalang si Clong Clong, ang pangyayaring ito sa jeep ay talagang nagabilib sa kanya sa isang kuya na kanyang nakasabay, na naupo sa kanyang harapan.




Kwento nga ni Clong Clong, habang sila ay nasa byahe ay nagulat siya ng bigla siyang offeran ng nasabing kuya na nakaupo sa harap niya ng yuniporme nito, at sinabi sa kanya na gamitin umano niya ito upang matakpan ang kanyang hita, ito ay dahil siya’y nakabistida ng mga mga oras na iyon.

Narito nga ang naging pagbabahagi ni Clong Clong ng kanyang karanasan, kung saan niya napatunayan na mayroon pa ring lalaking gentleman sa mundo.

Photo credits: Clong Clong | Facebook

“Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw. Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee kapag naka tayo. At first tumanggi ako at nag sorry, sabi ko tatabingi na lang ako ng upo but he insists na kunin ko yung damit. Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake pa din talaga kung paano sila mag-isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko, at may short po ako sa loob.”

“P.S. Baka ayaw niya lang nakikita yung pata ko? Hahahhaha”

Marami namang mga netizens na nakabasa ng post na ito ni Clong Clong ang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon at komento ng paghanga sa ginawa ng naturang kuya.

Photo credits: Clong Clong | Facebook

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;

“For all boys out there pls. Be a good man lika kuya bibihira na lang ‘yung ganyan sa panahon ngayon.”
“Sana dami pa katulad moboss, kahanga-hanga ginawa mo saludo ako sau ipagpatuloy mo lang ginawa mo… at sana sa mga kababaihan huwag masyado magsuot ng subrang iksi na makapang-akit sa mga kalalakihan bigyan muna ng kunting respeto ang sarili niyo, ok. Godbless u all.”

“Bihira na ganyang lalaki ngayon,… pero salamat din sa babae ay tinanggap niya offer na pantakip. Sa amin kasing kalalakihan pag maganda ang intensiyon at tinanggihan karamdam din kami ng pagkapahiya sa sarili. Thank u sir kung sino ka man at thank you din sa girl.”




Kahanga-hanga nga naman ang pagiging gentleman na ginawa ng kuya na nakasabay ni Clong Clong sa jeep, at naway mas madami pang mga kalalakihan ang mgaing katulad niya, na alam kung paano ingatan at bigyang halaga ang isang babae, kakilala man niya ito o hindi.

“Maraming proud sa kuya na ito, dahil sa kanyang pagiging isang gentleman. Ipagpatuloy mo lang kuya.”