Neri Naig, Ibinida ang mga Naglalakihang Halaman ng Kanyang Asawa na si Chito Miranda na isa naring Certified Plantito

Wala na ngang makakapigil pa sa pagdami ng mga nangongolekta ng mga magaganda at luntiang halaman na pinapalago at inaalagaan sa kanilang tahanan. Sila ang mga tinatawag na certified plantita at plantito na talagang pinaglalaanan ng oras ang kanilang alagang halaman.




Hindi rin alintana ng mga plantita at plantito ang halaga ng mga halamang kanilang binibili gaano man ito kamahal. Sapagkat ang ganda na hatid ng mga halaman, ang siya namang nagbibigay sa kanila ng kaligayahan.

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Marami na nga sa mga sikat na celebrities ang ipinasilip na ang kanilang naggagandahang koleksyon ng iba’t ibang klaseng halaman. Hindi lamang naggagandahan kundi may mga nakakalula ring presyo. At ngayon nga, ay isa na namang celebrity ang napabilang sa tinatawag na certified plantito.

Siya ang frontman ng bandang “Parokya ni Edgar” na si Chito Miranda. Hindi nga nagpahuli si Chito na mapabilang sa mga certified plantito. At nitong ika-13 ng Oktubre nang magpost sa Facebook ang asawa ng bokalista na si Neri Naig ng isang larawan kung saan makikita si Chito na nakatayo habang ibinibida ang malago nitong halaman.

May pagbibiro namang nilakipan ni Neri ng caption ang larawan at sinabi na may nanalo na.

“Sorry na lang kayo mga plantito, may nanalo na! ?”

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Base sa larawan, ang ipinagmamalaking halaman ni Chito ay tinatawag na Colocasia esculenta o mas kilala rin bilang Taro plant. Napakaganda nga nitong pagmasdan lalo na’t may malalago itong dahon na hugis puso.




Humanga naman ang mga netizens sa halamang ipinagmamalaki ni Chito, at ang ilan nga sa mga ito ay ibinida rin ang kanilang alagang taro plant sa comment section ng naturang post. Talagang kinagiliwan ang larawan ni Chito at marami rin ang nakarelate sa bagong plantito. Narito ang kanilang komento:

“Sampung milyong piso yan idol ??”
“dami ng gabing san fernando….hukayin n yan lahok sa sinigang?”
“Hi sir Chito! ❤️ Good morning ? uwian na may nanalo na ?”
“Wow astig pareng chito nanalo na ahaha”

Photo credits: Neri Miranda | Instagram

Matatandaan naman kamakailan na proud na proud si Chito sa kanyang maybahay na si Neri Naig matapos nitong makabili ng lote na may sukat na 6000 sqm. At ang napakalawak na lupain ay nabili ni Neri gamit ang kanyang sariling pera na mula sa sipag at tiyaga nito sa pag-oonline selling. Dahil nga dito, ay mas lalong pinatunayan ni Neri na isa siyang madiskarteng misis na dapat ipagmalaki ng kanyang asawang si Chito. Nagbibigay rin ng inspirasyon si Neri sa mga kababaihan lalo na sa mga maybahay na maging madiskarte sa buhay.