Entertainment
Negosyante at Madiskarteng Teenager, Naging Inspirasyon sa Social Media Matapos Magawang Kumita ng 90,000 Pesos Kada Buwan

Sa pagkakaroon ng pandemya sa ating bansa, ay maraming mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho, ito ay dahil sa ang ilang mga kumpanya ay nagbawas ng tao, at ang ibang negosyo naman ay tuluyan ng sinarado.
Kaya’t maswerte ka, kung sa panahong dumaranas ng krisis ang ating bansa, ay isa ka sa may mga trabaho o pagkakakitaan.
Masasabi nga naman natin na hindi biro anng pinagdaraanan ngayon ng mga tao, dahil sa hirap ng pamumuhay, hindi lang dito sa ating bansa [Pilipina], maging sa ibang bansa na talaga namang ramdam na ramdam ang epekto ng pandemya sa ekonomiya.
Ngunit sa gitna ng krisis, ay marami sa atin ang hindi nawawalan ng pag-asa na makakabangong muli, at ang iba nga ay gumagawa nga ng kani-kanilang diskarte.
Katulad na lamang nga ng isang teenager na sa panahon ng pandemya, ay nakaisip na pairalin ang kanyang pagiging madiskarte upang makatulong sa kanyang pamilya.

Photo credits: Daniella Susana | Facebook
Isang teenager na nagngangalang Daniella Susana, ang umani ng paghanga ngayon dahil sa kanyang pagiging isang masipag at madiskarteng estudyante, ay kumikita na siya ngayon ng malaking halaga sa loob lamang ng isnag buwan.

Photo credits: Daniella Susana | Los Churreros Ph Facebook
Ibinahagi nga ni Daniella sa kanyang Facebook account, kung paanong nagsimula ang pagtitinda niya ng churros online.
Ayon nga kay Daniella, ang kanyang pagtitinda ng Las Churrros Churreria sa Instagram at Facebook, ay nagsimula lamang sa puhunan niyang anim na libong piso, at ito nga ay kanyang inumpisahan noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.
“I started selling them in the last week of May this year. I read feedbacks about the brand and its product first. Then I sent a message on their Facebook page to inquire. I ordered 100 tubs for my first batch. My capital was around Php6,000”, saad nga ni Daniella.

Photo credits: Daniella Susana | Los Churreros Ph Facebook
Mula umano sa perang kanyang inipon at kaunting tulong ng kanyang mga magulang ang perang ginamit ni Daniella na naging capital niya sa pag-uumpisa ng kanyang negosyo online.
Ayon pa nga sa ilang ulat, nagagawang makabenta ni Daniella ng 400 tubs na churros kada Linggo kaya naman sa loob ng isang buwan ay kumita ito ng 90,000 pesos.

Photo credits: Daniella Susana | Los Churreros Ph Facebook
Base naman sa naging ulat ng PEP.ph, patungkol kay Daniella, ang dalaga pala ay isang consistent leader sa kanilang paaralan sa St. Paul college of Bocaue, kung saan siya ay nagtapos ng kanyang sekondarya.
At dahil sa magkokolehiyo na nga, ay nais ni Daniella na makapag-ipon ng pera, na magagamit niya sa kanyang pag-aaral sa De La Salle University – Manila, kung saan siya ay kukuha ng kursong Finacial Economics and Accountancy.

Photo credits: Daniella Susana | Los Churreros Ph Facebook
Ibinahagi rin ni Daniella, na nais niyang mahikayat ang mga kabataan na maging madiskarte tulad niya, at gawin ng mga itong makabuluhan ang pag-gamit ng kanilang mga social media account.
