Mommy Fatima Alawi, Hindi Nakaligtas sa “Ignoring Prank” ng kanyang mga Anak

Hindi nga naman maganda sa pakiramdam ng isang tao, kung sa loob ng iyong tahanan ay tatratuhin ka na tila hindi ka nakikita o walang sinuman ang pumapansin sa iyo, lalo na kung alam mo sa sarili mo na wala ka namang anumang ginawa, upang ikaw ay hindi pansinin ng mga ito.

Batid natin na ngayon ay marami ang gumagawa ng “ignoring prank”, at ang ilan nga sa mga ito ay naibahagi na sa social media, kung saan ay gagawin mo ito upang inisin ang isang tao sa pamamagitan ng hindi pagpansin rito ng ilang oras kahit pa ng aba ito’y kasama mo.




Isa nga sa mga sikat at popular na vlogger ang gumawa na nito ay ang aktres na si Ivana Alawi, na kung saan ito ay kanyang sinubukang gawin sa kanyang ina, na si Mommy Fatima at naging kakuntsaba pa niya ang kanyang mga kapatid na sina Hashim at Mona.

Nag-umpisa ang prank ng magkakapatid sa kanilang Mommy Fatima, ng ito’y kanilang tawagan sa phone upang kumain na ng lunch, kung saan ng sila’y kumakain na ay sinimulan na nila itong hindi pansinin na tula ito’y hindi nila nakikita at hindi nila kasama.

Agad namang napansin ni Mommy Fatima na tila siya’y hindi pinapansin ng kanyang mga anak, at hindi naiwasan na siya’y magtaka kung bakit hindi siya pinapansin ng mga ito.

Ngunit ng siya ay magpa-abot ng kanin at tubig sa mga ito, ay hindi naman siya natis ng kanyang mga anak, ngunit matapos nito ay nagtuloy-tuloy pa rin ang prank ng mga ito at hindi pa rin siya pinapansin.
Nang matapos na nga kumain, at nararamdaman pa rin ni Mommy Fatima na walang pumapansin sa kanya, siya’y nainis na at umalis nalang patungo sa garden at doon siya’y nahiga malapit sa may swimming pool habang gamit ang kanyang cellphone.

Nakita naman na Ivana na magpo-focus na ang kanyang mommy sa cellphone nito, kaya naman ang ginawa nila ay tinanggal nila ang wifi access, kaya naman ng mawalan ng wifi ay tila naghanap na si Mommy Fatima ng signal.

Pinuntahan naman ni Ivana si Mommy Fatima, sa may bandang pool, at kunwari nga ay nagva-vlog ang aktres, kung saan ay naiinis na si Mommy Fatima, at sinabi nga nito kay Ivana na kapag hindi pa ito tumigil ay itutulak na niya ito sa pool.

Dahil sa sa sinabi ni Mommy Fatima na siya’y itutulak nito, ay umalis na si Ivana, at ang muling pumunta kay Mommy Fatima ay sina Hashim at Mona.




Tila naman talagang nakulitan na si Mommy Fatima sa hindi iya maintindihang ginagawa ng kanyang mga anak, kaya naman nabigla ang mga ito ng itinulak ni Mommy si Hashim sa swimming pool.
Matapos nga nito, ay lumapit na si Ivana kay Mommy Fatima, at sinabi na ng actress- vlogger sa kanyang ina, nai to’y isang prank lamang nila, ngunit tila hindi pa rin nawala ang pagka-inis ni Mommy Fatima.

Tuluyan namang nawala ang inis ni Mommy Fatima, ng ipakita ni Ivana ang Php 17,300, kung saan ay ito umano ang magiging kapalit kapag pinansin nila si Mommy.

Ang 17, 300 pesos ay mula kana Ivana, Mona at Hashim, kung saan ang 10k ay mula kay Ivana, 5k kay Hashim at 5k kay Mona, na ayon sa nahuling nabanggit ay kulang pa ang kanyang naibigay, kaya mayroon muna umano siyang utang sa kanilang mommy.

Ilan naman sa mga tagahanga at tagasuporta ng actress-vlogger, ang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon at komento tungkol sa naging prank ng magkakapatid sa kanilang mommy Fatima, kung saan ay mababasa na hinahangaan nila si Ivana, dahil sa talagang sa bawat prank na ginagawa nito sa kanyang kapamilya ay makikita kung gaano niya kamahal ang mga ito.