Connect with us

Entertainment

Modernong Disenyo ng Bahay Kubo na may 2nd Floor at mga Native Furnitures, Hinangaan sa Social Media

Ang bahay kubo ay isa sa pinakamahalagang kultura ng Pilipinas. Ito nga nagsisilbing tahanan ng mga Pilipino at simpleng pamilyang namumuhay sa probinsiya. Hindi naman maikakaila na masarap manirahan sa isang bahay tulad ng kubo dahil sa presyo at maaliwalas rito.

Dahil nga gawa sa native at mula sa kalikasan ang mga materyales ng bahay kubo tulad ng kawayan, kahoy at talahib o kaya naman ay dahon ng niyog ay talagang mararamdaman ang preskong paligid at masarap na simoy ng hangin.




Noong unang panahon nga, ay halos bahay kubo ang makikitang tahanan ng mga Pilipino lalo na sa mga kanayunan. Ngunit, sino nga ba ang mag-aakalang ang isang bahay kubo ay magiging isang napakagandang bahay at may moderno pang disenyo? Ito nga ang ginawa ng mahusay na architect na si Architect Carby Jason G. Osorio kung saan ay nagkaroon ng makabagong mukha ang nakagisnan nating bahay kubo.

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Ang bahay kubo na ginawa ni Architect Carby, ay bagay na bagay sa isang beach lalo na’t napakanatural ng dating nito. Ngunit, nakakabilib rin dahil pinaganda ito ng modernong disenyo.
Sa labas ng bahay ay masisilayan ang 2-storey house na kung saan ay gawa sa amakan ang pangalawang palapag nito.

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Nakadagdag naman sa ganda ng bahay ang sliding windows na napakaeleganteng pagmasdan.
Ngunit, kung kahanga-hanga na ang gandang masisilayan sa labas, tiyak naman na mas mamamangha ang sinumang makakakita ng interior design ng bahay.




Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Ang kabuuang disenyo nga ng loob ng bahay ay pawang mga native rin, ngunit hinaluan naman ito ng modernong disenyo.

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Magmula sa living area, dining area, at kitchen area ay talagang kabibiliban ang mga native furnitures na makikita rito. Bagay na bagay nga sa tema ng isang bahay kubo dahil napakaaliwalas at presko itong tingnan.

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Samantala, ang napakagandang bahay kubo naman ay may dalawang bedrooms. Ang bawat silid naman ay may all-white theme na napakagandang tingnan at magaan sa pakiramdam dahil napakalinis nitong pagmasdan.

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Wala namang makikitang pader sa silid sa halip ay isa itong open room kung saan masisilayan ang ganda ng tanawin na hatid ng kalikasan sa labas ng bahay.
Napakaelegante naman ang bathroom ng bahay.

Photo credits: C.O Architectural Studio | Youtube Channel

Bukod nga sa wood-themed walls, ay hahangaan rin ang makikitang dekorasyon sa loob nito. Hindi rin nawala ang shower at washbasin sa loob ng bathroom.

error: Content is protected !!