Noong ika-25 ng Oktubre, araw ng Linggo, ay sabay-sabay nating pinanood at sinubaybayan ang prehistiyosong beauty pageant sa bansa, ang Miss Universe Philippines 2020. Nasilayan natin ang kahanga-hangang kagandahan ng mga Pinay na nagmula sa iba’t ibang dako ng bansa.
At ang bawat kandidata ng kanya-kanya nating lugar at probinsya ay talagang ipinakita natin ang ating pagsuporta. Dumaan sa iba’t ibang category ang bawat kahalok upang masubok ang kanilang husay at talento, kung talaga bang karapat-dapat nilang masungkit ang korona.
Dahil nga, sa ipinamalas na husay na talaga namang hindi lamang taglay ang magandang mukha at seksing katawan, kundi nagbigay rin ng napakagandang kasagutan sa mga hurado at manonood, ang kinoronahan ngayong taon bilang Miss Universe Phippines 2020, ay si Rabiya Mateo na tubong Iloilo City.
Photo credits: google.com
Si Rabiya ay 23 taong gulang, na talaga namang napakaganda, dahil na rin sa pagkakaroon niya ng lahing Indian.
Matapos ngang magwagi at mapasakamay ang korona, ay napakapalad ni Rabiya, dahil bukod sa nauwing korona na nagkakahalaga ng P5 Milyon na idinisenyo ng Villarica Pawnshop, ay nag-uwi rin ang bagong Miss Universe Philippines 2020 ng isang brand new car.
Photo credits: google.com
Nito lamang ika-29 Oktubre, araw ng Huwebes ng umaga, ay nai-deliver na sa bagong apartment ni Rabiya sa Metro Manila, ang kanyang bagong sasakyan na bahagi ng napanalunan niya bilang Miss Universe Philippines 2020. Ito nga ay isang blue 2019 MG ZS Alpha crossover SUV na nagkakahalaga ng PHP818,888 hanggang PHP998,888.
Nang masilayan nga ni Rabiya ang bagong sasakyan, ay ganun na lamang ang kanyang pagkamangha at labis na kaligayahan. Sa unang araw nga ng kanyang trabaho bilang MUP, ay talagang napakaganda ng simula dahil sa bago niyang sasakyan. Ngunit, bilang title holder ng MUP, ay may sarili ring chauffeur ang beauty queen.
Photo credits: google.com
Samantala, masaya namang ibinahagi ng glam team ni Rabiya na sina Keith Angelo na stylist at hairstylist namang si Jonas Lucas sa kanilang mga social media acounts, ang reaksyon ni Rabiya nang makita ang sasakyan at nang sinakyan ito.
Makikita nga ang malaking ngiti sa mga labi ng beauty queen na kung saan ay talagang hindi maitago ang labis na kaligayahan. Saad nga ni Keith, ay ngiting tagumpay ang masisilayan sa mukha ni Rabiya.
Samantala, maliban naman sa bagong apartment, P5 Milyong halaga ng korona, at brand new car, ay nakatanggap rin si Rabiya ng cash prize na ayon sa Miss Universe Philippines Organization, ay “the biggest cash prize in the history of Philippine pageantry.”
Photo credits: google.com
Sa unang araw ni Rabiya sa trabaho bilang MUP ay dumalo siya kasama ang kanyang mga nagwaging kasamahan, sa opening ng Frontrow Cares’ E-skewela Hub ni Raymond Francisco sa Barangay 530 sa Sampaloc, Manila.
Si Rabiya Mateo ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2020, at ang 1st runner-up ay si Bella Ysmael, 2nd runner-up ay si Michele Gumabao, 3rd runner-up naman si Pauline Amelinckx, at 4th runner-up na si Billie Hakenson.