Mikael Daez, Ipinasilip sa Kanyang Vlog ang Kanilang Family House Kung saan daw sya Sinagot ng Asawang si Maegan Young

Ang aktor na si Mikael Daez ay isang matagumpay na artista sa industriya ng showbiz. At ngayon nga, ay kabilang siya sa Kapuso Network na patuloy na nagbibigay saya sa kanyang mga tagahanga sa kanyang mga proyekto.

Sa likod ng tagumpay na tinatamasa ni Mikael, ay may isa siyang mapagmahal na pamilya at tahanan na punong-puno ng masasayang alaala. At kamakailan nga, itinampok ng aktor sa kanyang vlog ang house tour ng kanilang family house na naging tahanan niya magmula pagkabata. Ito nga ang naging tahanan ng kanyang pamilya sa loob ng 25 na taon. At matapos ang mahabang panahong pananatili sa kanilang bahay, ay lilisanin na ito ng buong pamilya upang lumipat ng ibang tirahan.




Kaya naman, bago pa magpaalam si Mikael sa kanilang tahanan na talagang memorable sa kanya, ay ipinasilip na muna niya ito sa kanyang mga tagahanga.

Kasama ang kanyang asawang si Megan Young, ay inilibot nila ang mga followers sa family house ng mga Daez. Maliban nga sa childhood memories na nabuo ni Mikael sa bahay na ito, ay espesyal rin ito kay Megan. Ito nga ay dahil sa mismong bahay niya sinagot ang aktor upang kanyang maging kasintahan noon.

Ibinahagi na nga ni Mikael ang bawat sulok ng bahay. Magmula sa kanyang silid, living room, dining area, kitchen at sa 2nd floor ng bahay kung saan naman makikita ang master’s bedroom ay ipinakita rin ng aktor. Maging ang garage at isang silid kung saan ginawa ng storage room ay ipinasilip rin niya.

Pagbabahagi naman ng aktor, ay madalas umanong bumaha sa kanilang tahanan na umaabot pa ng halos 3-4 feet ang taas ng tubig. Kaya naman, mapapansin na ang ilang kasangkapan sa kanilang bahay ay nakapatong upang hindi mabasa ng baha.




Ang playroom na ginawang office ng kanyang ina, na ngayon nga ay tila isa ng bodega kung saan may pinakamataas na tubig sa tuwing bumabaha ay ipinakita rin ng mag-asawa. Dahil nga madilim at nasa babang bahagi ito ng bahay, ay nagdala sila ng kanilang magsisilbing ilaw upang makita ang kabuuan ng lugar.

Ang pinakapaborito namang lugar ni Mikael sa kanilang tahanan ay ang dining area, dito nga sila sama-sama at masayang nagsasalo-salo at dahil nga, napakarami nila sa kanilang tahanan ay talagang nag-eenjoy siya habang kumakain at nagkwekwentuhan. Samahan pa ito ng masarap na luto ng kanilang kasambahay na si Ate Josie na kasama na ng kanyang pamilya ng 15 na taon.

Hindi maiwasan ni Mikael sa kanyang vlog habang nililibot ang bahay, na balikan ang mga masasayang alaala nabuo nilang mag-anak sa loob ng bahay.

9 silang magkakapatid kung kaya’t talagang masayang-masaya ang kanyang naging kabataan. At ang tahanan ngang ito ang naging saksi kung gaano kasaya ng kanilang kabataan. Hindi naman maitatanggi na ang pamilya ni Mikael ay punong-puno ng pagmamahalan.

A HOUSE TOUR where Megan Young became my girlfriend!