Megastar Sharon Cuneta, May Pasilip sa Kanyang Ipinapatayong Napaka Laking Bahay

Muli na namang pinahanga ni Megastar Sharon Cuneta ang publiko matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram, ang video ng kanyang ipinapagawang bahay na may napakalaki at napakalawak na espasyo.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang kakayahan ng Megastar upang matupad niya ang mga naisin sa buhay katulad na lamang ng pagpapatayo ng bahay. Minsan na ngang nabanggit ng Megastar ang planong pagpapatayo ng bahay, at ngayon ay naisakatuparan na niya ito.




Noong ika-22 ng Oktubre, sa Instagram ay masayang ibinahagi ni Sharon ang progress ng kanyang ipinapagawang bahay. Makikita sa video na napakalawak ng lote na pagtatayuan ng nasabing bahay. Makikita rin na abala ang mga workers sa paggawa ng pundasyon ng bahay.

Bukod naman sa malawak nitong espasyo, makikita naman na magiging maaliwalas rin ang kapaligiran dahil sa mga punong nakapalibot dito at magandang tanawin.

Tila naman napakapalad ni Sharon sa kanyang contractor dahil hindi ito nagkukulang sa pagbibigay ng updates sa progress ng ipinapagawang bahay. Maliban nga sa mga larawan, ay may mga videos ring ipinapadala ang contractor sa kanya. Kaya naman, sa tuwing makikita ang progreso sa ipinapagawang bahay ay mas lalo siyang naeexcite at ginaganahan.

Photo credits: reallysharoncuneta | Instagram

Dahil dito, ay hindi na rin siya nakapagpigil pang magbigay rin ng updates sa kanyang Instagram account.

“When your contractor constantly updates you with video & photos of the construction of your house, and you cannot contain your excitement! Plus, it makes you so happy to know that many construction workers are making a living while building your home during this time of C0VID!❤️???????? @limchoc.construction,” saad ni Sharon.

Samantala, ibinahagi naman ni Sharon, na masaya siyang nasimulan na ang pagpapatayo sa kanyang dream house. Ngunit, kasabay rin nito ay natutuwa siya dahil sa pagpapatayo ng bahay, ay nakakatulong siya sa mga trabahador na magkaroon ng trabaho lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung saan ay higit na kailangan ng mapagkakakitaan upang malabanan ang kinakaharap na krisis.




Tiyak naman na hindi lamang ang Megastar ang excited na matapos ang ipinapatayong bahay, kundi maging ang kanyang mga tagahanga na hindi nagsasawang magpaabot sa kanya ng pagsuporta, lalo na sa mga pangarap niya sa buhay.

Ngayon pa lang nga, ay masasabi ng napakaganda ng magiging bahay ng Megastar, dahil sa laki at lawak nito. Tiyak na magiging masaya ang kanilang pamilya sa pananatili sa kanilang bagong bahay kapag natapos na ito.