Megastar Sharon Cuneta, Ipinakita ang Kanyang Koleksyon ng mga Mamahalin at Vintage na Bags

Megastar Sharon Cuneta muling pinagbigyan ang kahilingan ng kanyang mga tagahanga sa kanyang vlog. Ito nga highly requested video, kung saan nais ng kanyang mga tagahanga na masilayan ang kanyang kahanga-hangang bag collection.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube

At nito lamang, ika-28 ng Oktubre, ay pinaunlakan ng Megastar ang kahilingan ng kanyang mga tagahanga sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. Bagama’t hindi ito ang kabuuan ng kanyang koleksyon, ay ipapakita umano niya ang ilan sa mga paborito niyang bag. Bungad ni Sharon sa kanyang vlog, ay wala umano siyang intensyon na ipagmalaki kung anong meron siya ngayong pandemya, bagkus ay nais lamang niyang bigyan ng kasiyahan at tuparin ang hiling ng kanyang mga tagahanga.




Unang ipinakita ni Sharon ang isang Hermes Black Birkin na may sukat na 35 cm at disenyong ‘shiny black purosos crocodille with palladium hardware’ na ayon sa Megastar ay dito nagsimula ang lahat. Ibinahagi ni Sharon na ang naturang bag ang dala-dala niya noong umuwi siya ng Pinas matapos ang isyu ng paghihiwalay noon nila ng asawang si Kiko. Nakunan rin ng larawan ang bag habang dala-dala niya ito at naitampok pa sa front page ng Philippine Daily Inquirer.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube

Sumunod naman ang isang Louis Viutton na nabili naman niya sa Zurich Switzerland. Ito naman ay Amarante Monogram Vernis Melrose Avenue. Napakaganda ng disenyo nito dahil sa kulay Burgundy nito. Ayon naman kay Sharon, ay hindi pa niya ito nagagamit.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube

Sumunod naman ang bag na naitampok sa Darla bag raid. Ito naman ay isang Louis Vuitton na nabili niya sa Milan. Ito ay isang Brea Purple Crocodille Leather. Ayon naman kay Sharon, matapos makita ang nasabing bag ay tila tinatawag umano nito ang pangalan niya. At ang kinahantungan nga, ay agad niya itong binili.

Ipinakita naman ni Sharon ang pinakapaborito niyang kulay blue na Hermes bag. Ito ay isang Birkin Thallase Periwinkle Leather. Kapansin-pansin naman na mahilig sa kulay blue si Sharon. At ang sumunod nga ay isang Birkin Togo Leather with Gold hardware.




Isa namang napakacute na Chanel Vintage Bag ang sumunod na ipinakita ni Sharon. Paborito niya rin itong gamitin kaya naman halos 30 years na itong nasa pangangalaga niya.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube

Kahanga-hanga naman talaga ang ganda at disenyo ng mga mamahaling bag ni Megastar Sharon. Ilan pa nga sa mga ito ay Hermes Birkin Rose Lipstick na nilagyan ng cute na Twilly. Nagpaabot naman ng mensahe si Sharon, na naghahanap umano siya ng isang Sakura pink birkin o Kelly bag. May 30 years old black Kelly bag rin si Sharon na talagang espesyal umano para sa kanya.

May napakaganda ring Louis Vuitton Twist PM Crocodilien Briliant Noir si Sharon. Huli namang ipinakita ni Sharon ang bag na pinakapaborito niya sa lahat ng kanyang bag. Ito nga ay isang Hermes Bag na may kulay blue at tinatawag itong Birkin Blue Brighton Porosus Crocodile. Makikita nga na talagang espesyal ito kay Sharon dahil nilagyan pa niya ito larawan ni Gong Yoo. Ilang taon rin umanong pinangarap ni Sharon ang naturang bag, dahil gustong gusto niya ang kulay nito.

Ipinakita rin ng Megastar sa huli ang bag ng kanyang yumaong ina. Ito ay isang Louis Vuitton Damier Heirloom Bag.

Photo credits: Sharon Cuneta | Youtube

Sa huling bahagi ng vlog ni Sharon ay ipinakita nga ang larawan ng mga gamit ng kanyang ina, na nakalagay dati sa naturang bag.

My Bag Collection  | The Sharon Cuneta Show