Matt Evans, May Handog na Isang Sweet Video para sa Asawang si Katrina Farinas sa kanilang 7th Wedding Anniversary

Si Matthew Nicolas Evans sa totoong buhay o mas kilala naman sa mundo ng showbiz bilang Matt Evans ay isang aktor na nagsimulang makilala sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Matapos naman lumabas sa Bahay ni Kuya ay tuluyan na niyang pinasok ang larangan ng pag-arte sa showbiz kung saan nakilala ang kanyang pangalan. Ilan sa mga teleseryeng kanyang nagawa ay ang “Komiks Presents: Da Adventures of Pedro Penduko”, “Tanging Yaman” at Rosalka.




Samantala, noong October 3, 2013 naman ay pinakasalan ng aktor si Katrina Farinas na isang negosyante na nagmula sa angkan ng mga politiko na tubong Ilocos Norte. Hindi naman nagtagal ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at agad na biniyayaan ng mga supling. At ngayon nga, ay masayang nagsasama ang mag-asawa kasama ang kanilang tatlong anak, kabilang na nga rito ang anak ni Katrina sa dati nitong karelasyon.

At nito lamang ika-3 ng Oktubre, ay mas pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang matibay at matatag na relasyon. Dahil sa araw na ito, ay pitong taon na silang magkasama at magkaagapay sa buhay.

Sa Instagram, nitong Sabado ay masayang binati ng 33 taong gulang na aktor sa pagdiriwang ng kanilang 7th Anniversary ang asawang si Katrina sa pamamagitan ng isang maikling video kung saan naglalaman ng kanilang sweet moments.

Nilakipan naman ito ni Matt ng caption na:

“Happy 7th love ko. Tara kain na tayo, kahit busog na busog ako sa pagmamahal mo! #7thyrandcounting”

Tunay nga na ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay pinagtibay na ng panahon at ang mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay ay patuloy nilang hinaharap ng magkasama. Ang kanilang pagmamahalan nga, ay lalong nangingibabaw sa hirap man o ginhawa.




Matatandaan na noong nakaraang Hulyo, ay sinubok ang kanilang pagsasama dahil sa kinasangkutang kontrobersya ni Matt. Ngunit, hindi pinabayaan at iniwan ni Katrina ang kanyang asawa, bagkus ay ipinagtanggol at prinotektahan pa niya ito sa publiko. Patunay lamang nito na anuman ang problemang dumating sa kanilang buhay, ay kayang-kaya nila itong harapin ng magkasama.

“Sa lahat na nakakakilala talaga kay Matt, alam na hindi totoo ang bali-balita. Hindi lahat ng nababasa o napapanood ay totoo. Sadyang may mga tao lang talagang hindi makuntento.”