“Matagal kitang hinintay pero pinagod mo ang buong pagkatao ko” Kris Aquino, May Inilahad na Matinding Mensahe para kay Herbert Bautista

“Matagal kitang hinintay pero pinagod mo ang buong pagkatao ko”, ito nga ang matindi at makahulugang mensahe ni Kris Aquino para sa dating aktor na si Herbert Bautista na minsan ring naging parte ng buhay niya.

Photo credits: Kris Aquino | Instagram

Ikinagulat ng maraming mga tagahanga ng tinaguriang Queen of All-Media na si Kris Aquino, ang naging pagbabahagi nito ng naturang mensahe para sa dating aktor at naging dati ring mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Ang mensahe ngang ito ni Kris, ay nagsimula ng magbahagi ang isa niyang tagahanga sa Instagram, ng patungkol sa nalalapit niyang pagbabalik sa telebisyon.




“Our mami Kris is back. Thank you Lord. We can’t wait to hear your voice again and see you again”, saad nga ng isang taganga ni Kris.

Dito na nga makikita na isang makahulugang sagot ang naging “reply” ni Kris Aquino sa naturang komento, kung saan ay tila nais ipahatid ni Kris ang tungkol sa isang tao na hindi siya nagawang ipaglaban.

“Yung tatay nyo, hindi ako pinaglaban kaya bumilib ako sa (heart emojis)”, ang naging kasagutan nga ni Kris.

Photo credits: google.com

Agad naman umanong na-gets ng naturang tagahanga ni Kris kung sino ang tatay na tinutukoy ng Queen of All-Media, at ito nga ay walang iba kundi ang dating aktor na naging dati ring mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Dahil nga sa naging makahulugang kasagutan na ito ni Kris, ay agad namang kinuha ng naturang tagahanga ang atensiyon ni Herbert Bautista, at itinag nga ito.

Sa naging pag-tag naman ng netizens kay Herbert Bautista, ay hindi naman ito nabigo, dahil makikita sa “comment section” na agad ring nagkomento ang dating mayor ng Quezon City sa pahayag ni Kris na hindi niya ito ipinaglaban, kung saan ay sinagot niya ito ng “Anong hindi?”.

Naging diretsahan at matindi naman ang naging sunod na mga sagot ni Kris Aquino sa naging sagot ni Herbert, at dito na nga sinabi ni Kris na “closed chapter” na si Herbert sa kanyang buhay, ito ay dahil sa matagal siya nitong pinaghintay, at pinagod lamang daw siya nito, kaya huwag nitong baguhin ang paglalahad kung ano nga ba ang talagang nangyari noon sa kanila.

Photo credits: google.com

Narito nga ang naging buong mensahe ni Kris Aquino kay Herbert;

“Please don’t REWRITE history. You didn’t when it mattered. This isn’t the venue to debate the past, I thought we already did that far too many times?

“Tanong lang — bakit pag nararamdaman mong dinededma ka na, bakit kailangan magparamdam ka? ‘Di ba napaka-selfish ng attitude nun?”

“Matagal kitang hinintay pero PINAGOD mo ang buong pagkatao ko kaya for me ypu are already a closed chapter.”




Dahil nga sa naging diretsahan at masakit ang naging pahayag na ito ni Kris Aquino, ay agad nitong nakuha ang atensiyon ng mga netizens, kung saan ay agad itong nagtrending dahil sa marami umano ang talagang naka-relate sa nais ipahiwatig ni Kris.

Batid nga nga marami sa atin, na noon ay naging on and off anng naging relasyon nina Kris Aquino at Herbert Bautista. Marami rin sa atin ang nakasaksi kung paanong naudlot at muli na namang nagbalik ang relasyon nilang dalawa.

Ngunit, sa naging pahayag nga nagyon ni Kris Aquino, ay marami ang nakararamdam na tila tuluyan na ngang tinuldukan ng Queen of All-Media ang kwento tungkol sa kung ano mang relasyon ang mayroon sila ng dating mayorna si Herbert Bautista.

Matatandaan naman na noong nakaraang taon, ay nagkaroon na rin ng makahulugang mensahe si Kris para kay Herbert, kung saan ito ay patungkol rin sa kung ano man ang namagitan sa kanilang dalawa.

“Mayor Herbert falls in the category of LOVING THE IDEA OF ALL THAT COULD HAVE BEEN… He is too set in his waysm as I am in mine.. and between the two of us, sa sobrang excess baggage, the airplaine could never have taken off”, ang naging pahayag nga noon ni Kris.

Samantala, sa nalalapit ngang pagbabalik telebisyon ni Kris, kung saan siya ay muling mag-eendorso ng isang kilalang produkto, ay marami naman sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta ang natuwa, at nagpahayag ng kanilang suporta.

Nakatuon naman ngayon ang atensiyon ni Kris Aquino sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby, na siyang pinaglala-anan niya ng kanyang buong oras at pagmamahal.