“Matagal kitang hinintay pero pinagod mo ang buong pagkatao ko”: Kris Aquino, May Diretsahang Mensahe sa Dati Nitong Karelasyon na si Herbert Bautista

Pinukaw ng Queen of all Media na si Kris Aquino ang kuryosidad ng mga netizens at kanyang mga tagahanga. Ito nga ay matapos magbahagi ni Kris ng isang mensahe na patungkol sa dati nitong karelasyon na si Herbert Bautista na tila ba may pinaghuhugutan. Dahil sinabi Queen of all Media na hindi siya nito ipinaglaban noon.

Nagsimula ang lahat matapos magkomento ang isang tagahanga nina Kris at Herbert sa Kris post sa Instagram post ni Kris kamakailan. Sa komento ng netizen, sinabi nito na masaya ito sa pagbabalik ng kanilang ‘Mami Kris’.

“Our mami Kris is back. Thak you Lord. We can’t wait to hear your voice and see you again,”saad ng netizen.




Agad namang sumagot si Kris na tila ba may nais iparating sa tinutukoy nitong “Tatay” na hindi umano siya ipinaglaban noon.

“’Yung tatay nyo hindi ako pinaglaban kaya bumilib ako sa (heart emojis).”

Natukoy naman agad ng fan kung sino ang tinutukoy nitong “Tatay”, ito nga ay walang iba kundi ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista. Kaya naman upang kunin ang atensyon ni Herbert, ay tinag ito ng fan na nagkomento sa post ni Kris.

Photo credits: google.com

Sa pag-tag nga ng fan, ay hindi siya nabigong makuha ang kasagutan ni Herbert, bilang tugon nga ang naging kasagutan nito ay:

“Anong hindi?”,

tila nagtataka namang sagot ni Herbert.

Photo credits: google.com

Matapos naman mabasa ang komento ni Herbert, ay tila hindi na napigilan pa ni Kris ang kanyang damdaming dahil naging diretsahan ang kanyang kasagutan.

Ayon nga kay Kris, ay hindi umano nito dapat bagohin pa ang nangyari sa nakaraan. Dahil maituturing na “closed chapter” na kung anuman ang namagitan sa kanila noon. Dagdag pa nga ng Queen of all Media, ay hindi umano ito ang tamang lugar upang pagtalunan nila ang kanilang nakaraan.

Photo credits: google.com

“Please don’t REWRITE history. You didn’t when it mattered. This isn’t the venue to debate the past, i thought we already did that far too many times?”




Dagdag naman ni Kris, ay bakit kailangan pang magparamdam kung denededma na nga.

“Tanong lang — bakit ‘pag nararamdaman mong dinededma ka na, bakit kailangan magparamdam ka? ‘Di ba napaka-selfish na attitude nun?”

Photo credits: google.com

Tila naman may pinaghugutan ang mga sumunod na pahayag ni Kris, ayon nga rito, ay naghintay umano siya, ngunit pinagod lamang siya nito sa paghihintay.

“MATAGAL kitang hinintay pero PINAGOD mo ang buong pagkatao ko kaya for me you are already a closed chapter.”

Tila naman maraming netizens ang nakarelate sa nais iparating na mensahe ni Kris sa dati nitong karelasyon. Sa kabila nga nito, ay hindi naman maiwasan ng mga netizens ang magulat dahil sa diretsahang kasagutan ng Queen of all Media.

Photo credits: google.com

Matatandaan na noong magkarelasyon ang dalawa ay naging on and off ito. Ngunit, dahil sa pag-uusap ng dalawa ngayon sa social media, ay tila tuluyan nang tinuldukan ni Kris kung anuman ang namagitan sa kanila noon.