Maja Salvador, Ipinasilip ang Kanyang Napakagandang Bahay sa Antipolo na Tinawag Niyang Casa Andres na May Modern Tropical Design

Kilala sa industriya ng showbiz ang aktres na si Maja Salvador hindi lamang sa kanyang napakagandang mukha, kundi maging sa kanyang ipinapamalas na husay at galing pagdating sa pag-arte. Dahil nga dito, ay marami siyang mga proyektong ginagampanan na talaga namang hinahangaan ng kanyang mga tagahanga.

Malaki rin ang pagpapahalaga ng aktres sa bawat salapi na kanyang kinikita sa kanyang trabaho, kung kaya’t inilalaan niya ito sa tama. Dahil nga sa kanyang pagsusumikap at tamang paghawak ng pera, ay nakapagpundar siya ng isang napakagandang bahay.

Ito nga ang ipinasilip ni Maja sa kanyang vlog kamakailan. Sa kanyang vlog tampok ang house tour ng kanyang napakagandang bahay na tinawag niyang Casa Andres, na matatagpuan sa Antipolo.

Dahil nga sa pandemya kung saan ipinatupad ang quarantine, ay nagpasya si Maja na manatili sa kanilang tahanan sa Antipolo kasama ang kanyang kapatid. Ayon naman sa aktres, ay ilang ulit na nilang pinaayos ang kanilang bahay.




Kung dati nga ay halos black and white na may halong pula ang tema ng bahay, ngayon naman ay binigyan ito ng make-over ng kanyang kaibigang si Miah Gomez na isang interior designer, kung saan ay isang modern tropical home ang naging tema. Ito nga ay dahil mahilig magtravel si Maja sa mga magagandang lugar lalo na sa beach.

Pagbabahagi naman ni Maja, ang naturang bahay ay nabili niya umano gamit ang perang kinita niya sa endorsement ng RC Cola, kung kaya’t ang tawag niya dito noon ay RC House. Sa paglipas naman ng panahon, at ilang ulit na renovation ng bahay, ay naisipan rin ng aktres na bagohin ang pangalan nito. At ngayon nga, ay tinatawag na ito ng aktres bilang “Casa Andres”.

Una ngang bubungad sa tahanan ng pamilya ni Maja, ang isang mini garden kung saan sila madalas magkaroon ng grill night o steak nights. Dito rin kadalasang tumatambay ang kanyang ama habang nagkakape.

Pagpasok nga sa loob ng tahanan, ay sasalubong naman ang living area kung saan masisilayan ang maaliwalas na kapaligiran dahil sa high ceiling nito. Makikita rin dito ang ilang mga dekorasyon na talaga namang bumagay sa tema ng bahay. Isa naman sa mga makikitang nakadisplay sa living room ay ang mga pangaral ng aktres sa kanyang pag-aartista.




Maliban naman sa ilang paintings na makikita sa loob ng Casa Andres, ay kapansin-pansin rin ang ilang mga indoors plants na nagbigay buhay naman sa ganda ng tahanan.

Ang dining at kitchen area naman, ay isa sa bahagi ng bahay na pina-renovate ng aktres. Kung dati nga ay may red-black-white palette ito, ngayon nga ay modern tropical na ang kosepto nito katulad ng disenyo ng kabuuang buhay.

Ang dating lanai area naman ay ginawa namang gym ng aktres, upang hindi na siya lumabas ng bahay sa tuwing mag-eehersisyo. Dito nga sa kanyang mini gym matatagpuan ang kanyang mga gym equipment na ginagamit sa kanyang pag-eehersisyo. Sa kabilang bahagi naman nito matatagpuan ang nakahandang sauna na kanyang maeenjoy matapos mag-ehersisyo.




Sa huling bahagi naman ng video, nangako ang aktres na kapag umabot ng 1 Million ang kanyang subscribers, ay ipapasilip naman niya ang pangalawang palapag ng kanilang tahanan.