Mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Ibinahagi na Ayaw nilang Lumaki sa Luho ang Kanilang mga Anak

Likas na sa mga artista ang magkaroon ng marangyang pamumuhay. Ito nga ay karapat-dapat lang nilang matamasa dahil ito ay bunga ng kanilang pagsisikap. Magmula nga sa magagandang kasuotan, at pagta-travel sa iba’t ibang lugar ay kanila ring naeenjoy.




Kung ano namang pamumuhay meron ang mga artistang magulang, ay siya ring tinatamasa ng kanilang mga anak. Ngunit, sa kabila ng karangyaan, ay pinapalaki naman nilang simple at huwag lumaki sa luho ang kanilang mga anak.

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Katulad na lamang ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, na bagama’t nakamtan na ang magandang buhay dahil sa kanilang sipag at tiyaga sa trabaho, ay hindi naman sila nagkukulang na mapalaki ng maayos ang mga anak, na kung saan ay huwag lumaki ang mga ito sa luho.

Ito nga ang ibinahagi ng mag-asawa nang makapanayam sa The Asian Parent sa Klook Travel Fest. Mahilig mag-travel ang celebrity couple sa iba’t ibang lugar. May mga pagkakataon na silang dalawa lang ang nagbabakasyon ngunit, minsan ay kasama nila ang kanilang mga anak. Ayon sa mag-asawa, ay tinitiyak nilang nakaplano ang lahat ng kanilang out of the country sa tuwing kasama ang kanilang mga anak.

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Ayon naman kay Ryan ay nagiging maingat sila kung saan at kailan nila dapat ibakasyon sa ibang bansa ang kanilang mga anak. Hindi naman biro ang halaga na kanilang ginagastos sa bawat travel sa ibang bansa kung saan ay kinakailangang pag-iponan. Kaya naman, kahit naisin nilang dalhin ang kanilang mga anak sa magagandang lugar ay hindi nila ito ginagawa dahil ayaw nilang masanay ang mga ito sa luho.

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Ito nga ay dahil nais ng mag-asawa na maranasan ng kanilang mga anak ang mag-travel gamit ang sariling pera na mula sa pinagpaguran ng mga ito. Sa ganitong paraan nga, ay malalaman ng kanilang mga anak ang kahalagahan ng bawat salaping kinikita.

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Pagbabahagi nga ng mag-asawa, ay ayaw nilang lumaki sa luho ang kanilang mga anak kung saan ay iisipin ng mga ito na agad nilang makukuha ang anumang bagay na naisin. Halimbawa na lamang nga nito, nang minsan nagbakasyon sila sa Amanpulo kung saan ay hindi isinama nina Ryan at Juday ang mga bata.




At ang bakasyong ito, ay mula naman sa kanilang sariling pera kung saan ay nagkakahalaga ng P50K ang isang gabing pananatili sa napakamahal na resort na ito sa Palawan.

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Samantala, ibinahagi rin ng mag-asawa na sa tuwing nagta-travel naman sila sa ibang bansa, ay hinahayaan nilang maging independent ang kanilang mga anak kung saan ay walang kasamang yaya.

Photo credits: Judy Ann Santos-Agoncillo | Instagram

Ayon nga kay Juday, ay hindi umano spoiled ang kanilang mga anak at marunong din umanong makinig ang mga ito sa kanila ni Ryan. Nais nga ng celebrity parents na lumaking responsable ang kanilang mga anak at malaman ng mga ito ang kahalagahan ng pagsisikap sa buhay.