Lyca Gairanod, Ipinasyal ang mga Tagahanga sa Bahay na kanyang Naipundar para sa Kanyang Pamilya na Bunga ng kanyang Pagsusumikap

Matapos magwagi bilang Grand Winner ang mahusay na singer na si Lyca Gairanod sa singing competition na The Voice Kids Season 1, ay malaki na nga ang nabago sa buhay nito. Maliban nga, sa katanyagang tinatamasa ngayon ng batang singer, ay hindi rin maikakaila na naibibigay niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya at higit sa lahat ay nakapagpundar siya ng bahay na matagal na niyang pangarap para sa kanyang pamilya.

Malayo na nga ang narating na tagumpay ni Lyca, ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin ang kanyang pagiging simple at mapagkumbaba. Hindi rin nakakalimot ang batang singer sa kanyang pinagmulan. Matatandaan nga na nagkaroon pa ng house tour si Lyca sa dati at kinalakhan nilang tirahan sa Tanza, Cavite kung saan ay naging emosyunal pa ito matapos magbigay ng mensahe ang kanyang lola sa kanya.




At ngayon nga, ang ipinasilip naman ni Lyca sa kanyang mga tagahanga ang bahay na kanyang naipundar para sa kanyang pamilya. Kung noon ay sa masikip at palaging nasisirang bahay tuwing may bagyo naninirahan ang pamilya ni Lyca, ngayon nga ay masaya at komportable na silang naninirahan sa bagong bahay na naipundar ng young singer.

Sa vlog ni Lyca ay masaya niyang pinatuloy ang kanyang mga tagahanga sa kanilang munting tahanan. Pagpasok nga sa loob ay agad na ipinakita ni Lyca ang estante kung saan nakalagay ang mga sapatos nilang magkakapatid. Hindi naman nalalayo rito ang kanilang kitchen area kung saan ay ibinahagi ni Lyca ang mga kasangkapang makikita rito.

 

Sumunod namang ipinasilip ng singer ang kanilang dining area. Dito naman ang kanilang buong pamilya masayang nagsasalo-salo at nagkwekwentuhan habang kumakain sa harap ng hapag. Pagbabahagi naman ni Lyca, dahil nga madami silang kumakain, minsan raw ay hindi kumakasya ang lahat sa lamesa. Kaya naman, ang iba ay sa lapag na lamang masayang nagsasalo-salo.

Katapat naman ng dining table ay isang flat screen TV. Dahil nga pamilya ng mang-aawit, ayon kay Lyca, ang madalas na bonding moments ng kanilang pamilya ay ang pagkanta na talaga namang naeenjoy nila. Pagbabahagi naman ng singer, wala man raw makikitang ibang disenyo sa loob ng bahay nila, ang mahalaga umano sa kanila ay ang makatulog ng maayos.

Samantala, sa storage room naman nakalagay ang mga damit nilang magkakapatid. Ipinasilip rin ni Lyca ang bathroom ng kanilang bahay.

Sumunod naman ang silid kung saan sama-sama silang natutulog ng kanyang mga kapatid na babae. Kapansin-pansin naman ang aircon na makikita sa kanilang silid. Ayon nga kay Lyca, ay nagpalagay umano siya ng aircon dahil nga palagi umanong napapansin ng mga viewers ang hitsura niyang pinagpapawisan.




Makikita nga sa nakakaaliw na house tour vlog ni Lyca ang simple ngunit masayang pamumuhay ng kanilang pamilya. Makikita na kontento na si Lyca sa buhay na meron sila. Pinatunayan nga ni Lyca na hindi mahalaga ang mga mahahalin at materyal na bagay sa buhay niya, dahil ang higit na mahalaga ay ang kanyang pamilya na nagbibigay saya at inspirasyon sa kanya. Isang pamilya na punong-puno ng pagmamahal sa bawat isa.

HOUSE TOUR | WELCOME HOME