Lovi Poe, Muling Nakasama ang Kanyang Boyfriend na si Monty Blencowe Matapos Makabalik sa Amerika

Hindi maikakaila na sa natural na kagandahan at talento sa pag-arte ng aktres na si Lovi Poe, ay marami ang humahanga rito. Dahilan kung bakit sikat na sikat ang aktres sa industriya ng showbiz kung saan ay hindi nawawalan ng proyekto.




Bukod rito, ay makikita rin ang kahanga-hangang body figure ng aktres na talaga namang napakaseksi. Hindi nakapagtataka na sa magagandang katangian ni Lovi ay marami ang nagkakagusto rito.

Photo credits: Lovi Poe | Instagram

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na may nagmamay-ari na ng puso ng aktres. Ilang beses na nating nasaksihan ang tamis ng pag-iibigan ni Lovi at boyfriend nitong si Monty Blencowe. Ngunit, may isang pagsubok na kinakaharap ang magkasintahan sa kanilang relasyon. Ito nga ang pagkakaroon ng long-distance relationship. Si Lovi ay sa Pilipinas, samantalang ang kanyang boyfriend ay nasa Unites States. Sa kabila nito, ay nananatiling matatag ang kanilang relasyon dahil sa tiwala at pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: Lovi Poe | Instagram

At kamakailan nga, ay talagang couple goals ang magkasintahan, dahil matapos ang mahabang panahon na pagkawalay sa isa’t isa ay muli silang nagkasama. Bago kasi matapos ang buwan ng Setyembre ay lumipad na patungong Amerika si Lovi upang makasama ang kanyang nobyo.

Photo credits: Lovi Poe | Instagram

Sa muli nga nilang pagkakasama, ay hindi maikakaila na talagang namiss nila ang isa’t isa. Makikita nga sa mga larawan at video na ibinabahagi ng magkasintahan sa social media, ang kanilang bonding moments, na nag-uumapaw sa kasweetan.




Photo credits: Lovi Poe | Instagram

Napakahands on namang girlfriend ni Lovi sa kanyang nobyo, dahil ipinagluluto niya ito ng almusal at makikita naman na nagustuhan ito ni Monty. Isa rin sa naging bonding moments nila ay ang magkasamang mag-work out upang mapanatiling fit and healthy ang kanilang katawan.

Photo credits: Lovi Poe | Instagram

Madalas rin silang tumambay sa terrace habang nagkakape at nakatanaw sa magandang tanawin. Bawat sandali nga, ay sinusulit ng magkasintahan upang maenjoy nila ang bawat oras na sila’y magkasama. Hindi naman maikakaila na talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa, kitang-kita nga ito kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Photo credits: Lovi Poe | Instagram

Tunay nga na hindi magiging hadlang ang layo o distansyang nakapagitan sa dalawang pusong nagmamahalan kapag ang pagtitiwala at pagmamahal ang mangingibabaw sa relasyon. Kaya naman, ang magkasintahang Lovi at Monty, ngayon nga ay masayang dinadama ang tamis ng kanilang pagmamahalan sa bawat oras na sila’y magkasama.