Loisa Andalio, Inihayag sa “Magandang Buhay” Na Pumayag ang Kanyang Mga Magulang na Mag-Stay Siya sa Bahay ng Boyfriend na si Ronnie

Nito lamang ika-19 ng Oktubre 2020, ay nakumbidahan ang magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte o mas kilala sa tambalang “LoiNie” sa Kapamilya morning show na “Magandang Buhay”, kung saan ay ibinahagi ng dalawa ang naging masayang pagbabakasyon nila sa probinsiya nina Ronnie at maging ang mga realization nila sa buhay ngayong tayo ay nasa panahon ng pandemya.




Makikita nga sa mga Instagram account nina Ronnie at Loisa, na sa panahon ng pandemya, ay magkasama silang humarap sa mga pagsubok na dumaan sa kanilang mga buhay, at magkahawak kamay nila itong nilalampasan, ito ay base sa mga larawan na ibinahagi ng magkasintahan.

Photo credits: Iamloisaandalio | Instagram 

Sa naging panayam nga sa magkasintahan, ay inihayag ni Loisa, na siya ay pinayagan ng kanyang mga magulang na mag-stay sa tahanan ng kanyang nobyong si Ronnie, kung saan ayon sa aktres, ito ay dahil sa malapit lamang naman ito sa kanila.

Bago nga magsimula ang nasabing programa, ay agad tinanong ni Momshie Jolina Magdangal sina Ronnie at Loisa, tungkol sa naging pagbabakasiyon ng magkasintahan.

“Magkahawak nga kayo ng kamay, habang hinaharap ang pandemyang ito, dahil nakapagbakasiyon kayo sa probinsiya ni Ronnie, tama ba?” ang naging katanungan nga ni Momshie Joline.




At dito na nga, inihayag ni Loisa, kung bakit siya nagawang payagan ng kanyang mga magulang na makapagbakasiyon kana Ronnie.

Photo credits: Iamloisaandalio | Instagram

“Oo sa kanila, sa bahay nila”, saad ni Loisa.

“Actually ang lapit lang kasi ng bahay nila sa amin, kaya pinayagan ako mag stay ng ilang araw”, dagdag pa nga ng aktres.

Maliban pa nga rito ay ibinahagi rin ng magkasintahan, kung gaano kasaya ang naging buhay nila sa probinsiya habang sila ay nagbabakasiyon.

Photo credits: Iamloisaandalio | Instagram

“Kamusta ang buhay sa probinsiya”, ang naging katanungan muli ni Momshie Jolina.

Na muli naman sinagot ni Loisa ng;

“Masaya, simple. Simple nga pero masaya” saad nga ni Loisa.

Para naman kay Ronnie, ay mas lalo pang naging masaya ang buhay sa probinsiya, ngayong kasama na niya si Loisa.

Photo credits: Iamloisaandalio | Instagram

Nang tanungin nga si Ronnie ni Momshie Melai, ay ito ang kanyang isinagot;

“Ayon masaya kasi, parang, yun talaga yung buhay niyo dati, kung baga yun po yung buhay ko. Ngayon nagka-time, tapos kasama ko pa siya.”, ang naging saad naman ni Ronnie.




Tunay nga naman sa panahon ng pandemya, isa sa mga na-realize ng marami sa atin ay ang “Life is Happier when It’s Simplier”, ito nga ay ayon kay Momshie Karla Estrada, kung saan ay mas nakita natin ngayong panahon ng pandemya, ang mga maliliit at simpleng bagay na maari palang makapagpasaya sa atin.