Stories
Lalaking Tinanggihan ng Bangko na Makapag-Loan Noon, Mayamang Negosyante na Ngayon, Binili ang Bangko na Tinagihan siya Upang Gawing Apartment for Rent

“Remember, your current situation is never your final destination”, ang payo nga ng business tycoon na si Adam Deering at ito ay base na rin sa kanyang pinagdaanan sa buhay.
Nito lamang nakaraan ay ibinahagi ng mayamang negosyante na si Adam Geering ang kanyang pinagdaanan sa buhay upang siya ay maging matagumpay, at kung paanong ngayon ay nagawa na nga niyang mabili ang gusali ng bangkong tinanggihan siyang pautangin noon.
Ayon nga sa mayamang negosyante na si Adam, 18-taon na ang nakakaraan ng siya’y nagsisimula pa lamang, ay isang bangko ang kanyang nilapitan ngunit tinanggihan umano nito na siya’y pautangin.
Sa kanyang Instagram account account, ay ibinahagi ni Adam Geering ang kwento kung paano niya nabili ang gusali ng bangko, na ngayon ay plano niya umanong gawing isang apartment.

Photo credits: adam_deering | Instagram
“So last week, I bought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So when I was a*s 21-year-old, I had a dream to work for myself and set-up my own business.”
Base nga kay Adam, isang businessplan ang kanyang ginawa at nagpa-set siya ng appointment upang makausap ang manager ng bangko, para sa kanyang plano na makakuha ng business loan, na magiging panimula niya sa kanyang nais na negosyo.
Habang nag-aantay nga, ay talagang todo ang panalangin niya, dahil talagang wala siyang pera at wala siyang pang kapital, para maisakatuparan ang negosyo na kanyang pinapangarap.

Photo credits: adam_deering | Instagram
“I sat down with my fingers and toes, crossed and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronizingly tone said the problem is ‘Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage.”
Dahil nga sa tumanggi ang bangko na siya’y pautangin, ay talaga namang na-frustrate si Adam, ito ay dahil sa wala siyang Plan B at siya’y naka-alis na sa kanyang pinagtatrabahuan at ang tanging pera na lamang niya ang sapat para sa tatlong buwan na upa sa kanyang tinutuluyan at mayroon siyang phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit terms.

Photo credits: adam_deering | Instagram
Ngunit dahil sa talagang pursigido si Adam na maging matagumpay sa kanyang buhay, hindi nga nagtagal ay natupad niya ang kanyang pinapangarap.
Ngayon nga, ay isa ng business tycoon si Adam Deering dahil siya na ngayon ang namumuno sa limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.
Patunay nga lamang ito, na hindi porke’t mahirap ka ngayon, ay hindi mo na magagawang umasenso o mapaganda ang katayuan ng iyong buhay.
