Connect with us

Stories

Lalaki, Sinuot ang OOTD na Binili niya Online at Namasyal sa Mall, Napagkamalang Janitor Dahil sa Suot nito

Nauuso nga naman sa panahon ngayon na halos karamihan sa mga kinakailangan natin tulad ng mga damit, sapatos o ultimo pagkain, ay binibili natin s amga online shop. Ito ay upang hindi na tayo lalabas pa ng bahay, lalo na ngayon na mayroong kumakalat na [email protected]

Sa kabila nito, hindi naman maiiwasan na nagkakaroon tayo ng pagkadismaya sa mga bagay na nabibili natin sa mga online shop, lalo na sa mga damit, ito ay dahil sa minsan ay napalayo nga naman ng totoong hitsura nito, base sa larawan na ating nakita sa kanilang online store.




Katulad na lamang ng isang lalaking bumili sa isang online shop, na nadismaya sa nabili niyang OOTD ngunit ito ay dinaan na lamang niya sa biro, paano ba naman, napagkamalan siyang janitor sa isang mall na kanyang pinuntahan, habang ito ang kanyang suot-suot.

Photo credits: Nick Nicolas Jr. | Facebook

Ibinahagi ng netizens na kinilalang si Nick Nicolas Jr., ang kanyang naging kawili-wiling karanasan habang siya ay namamasyal sa isang mall sa Marilao, Bulacan, ito ay dahil sa hindi sinasadya na mapagkamalan siyang isang janitor o “maintenance staff”, ng isa ring mall goers na kanyang nakasabay ng siya ay nagpunta sa CR ng naturang mall.

Photo credits: Nick Nicolas Jr. | Facebook

“Yung f na f ko outfit ko with dalang starbucks papunta ng Cr tapos yung mama palabas ng CR tapos ako papasok. Bigla akong tinanong ng mama kung saan CR ng lalaki.. kasi nga sarado daw! Baka nga siguro napagkamalan akong janitor dahil sa OOTD ko!” ang naging kwento ni Nick sa kanyang FB post.

Base nga sa FB post ni Nick Nicolas Jr., ay talaga namang ‘feel na feel’ raw niya noong araw na yun ang kanyang suot na OOTD “Outfit of the Day”, kung saan ay may bitbit pa siyang kape na nabili niya sa isang sikat at mamahaling coffee shop ng bigla siyang tanungin ng isang lalaki na nakasabay niya sa palikuran, na tila napagkamalan nga siyang “maintenance staff”.

Photo credits: Nick Nicolas Jr. | Facebook

Dagdag pa nga ni Nick sa kanyang Facebook post na tila naimbyerna siya sa online shop na kanyang nabilhan ng kanyang OOTD, dahil sa mali ang ibinagay sa kanya na damit.

“Manong hindi po ako JANITOR! Kasalanan itong sikat na online shop (not to mention) dahil mali ang ibinigay. Ayoko na talagang isuot ‘yo! Nakakataas kayo ng blood sugar!”




Matapos ngang i-post ni Nick ang nangyaring ito sa kanya sa mall sa kanyang FB account, ay hindi niya akalain na ito ay magba “viral”. Kung saan ay marami ang mga netizens ang naaliw, ngunit mayroon din ang na-offend dahil sa kanyang sinabi, na tila inaalipusta niya umano ang trabaho na pagiging isang janitor, na batid natin na isang marangal na trabaho.

Photo credits: Nick Nicolas Jr. | Facebook

Nilinaw naman agad ni Nick Nicolas Jr., ang kanyang sarili, at nagbigay siyang muli ng update sa kanyang anging post, kung saan niya sinabi na wala siyang intensiyon na makahamak ng sinoman at humingi rin siya ng paumanhin kung mayroon man siyang na-offend sa kanyang naging post.

“Di koi ne-expect na mag-viral ‘tong post ko na ‘to… SALAMAT sa mga natawa, at SORRY sa mga na-offend. Ang tinutukoy kop o rito ay ang napagkamalan akong janitor sa OOTD ko.”

“TAKE NOTE: WALA AKONG BALAK O PLANO NA HAMAKIN O MALIITIN ANG MGA JANITOR. Good vibes lang po.. hindi ako perfect pero kahit papaano napasaya ko kayo. Kahit karamihan negative ang mga comments. PASENSYA NA PO.” Ang naging paglilinaw nga niya sa kanyang post.

Ayon pa nga kay Nick, mas mainam na unawaing mabuti ang kanyang post, dahil sa good vibes lamang naman ang nais niyang ihatid, imbis na siya’y maimbyerna sa kanyang OOTD na nabili.

Ang janitor, ay isang trabaho na marangal at sa panahon ngayon na mayroong [email protected], ay isa sila sa itinuturing nating mga frontliners, dahil sa kabila ng virus na ito na kumakalat ngayon, at pinapanatili pa rin nilang malinis ang ating kapaligiran.

error: Content is protected !!