Beauty and brain naman talaga ang taglay ng beauty queen na si Shamcey Supsup dahilan kung bakit siya ang itinanghal na Miss Universe 3rd runner-up noong 2011. Magmula nga ng maging beauty queen ay sinubaybayan na ang buhay ng kahanga-hangang beauty queen. At ngayon nga, siya ang director ng Miss Universe franchise sa Pilipinas.
Ngunit, bago pa man siya maging isang beauty queen, ay nagsimula lamang siya sa isang payak na pamumuhay sa probinsya kasama ang kanyang ama at tita. Nagsimulang mangarap na maging beauty queen at kalaunan nga ay kanya namang natupad.
Photo credits: Shamcey Supsup | Instagram
Ang puno ng inspirasyon na kwento ng pagiging probinsyana ni Shamcey kung paano siyang nagsimulang mangarap na maging isang beauty queen ay hinangaan ng mga netizens at agad itong nag-viral.
Ang 34-taong gulang na beauty queen ay lumaki sa isang bario sa General Santos City kasama ang kanyang ama na isang magsasaka at Auntie. Dahil nga, ang kanyang ina ay isang OFW, kung kaya’t ang mga ito ang nag-alaga sa kanya. Bago umano siya lumipat sa Manila, ay sa Katanggawan siya nanirahan, kung saan ay walang kapitbahay at malayo sa kabihasnan.
Photo credits: Shamcey Supsup | Instagram
Dahil nga wala rin siyang kapatid, ay mag-isa lang siyang nag-aaral sa loob ng kanilang tahanan. Wala rin siyang mga kalaro, kung kaya’t ang mga naging kaibigan at kalaro umano niya noong bata siya ay ang mga alaga nilang pato. Maliban sa pato, ay may alaga rin silang mga manok at kalabaw. Pagbabahagi naman ni Shamcey, ay nangitim na raw siya sa kakalaro sa labas dahil sa sobrang init, nagkaroon rin raw siya ng kuto noon.
Samantala, ibinahagi naman ng beauty queen ang isang larawan na nagpapatunay na tanging mga pato ang naging kalaro niya noong bata pa lamang siya.
Nang tumuntong naman siya ng Highschool ay nagpasya ang kanyang ina na ilipat siya sa Maynila dahil naroon ang trabaho nito. Ngunit, ayaw umano ni Shamcey na mag-aral sa Maynila, dahil sa hindi siya gaanong marunong magsalita ng tagalog. Natatakot rin siya na baka pagtawanan siya ng kanyang mga kaklase dahil dito. Pero sa huli ay nakumbinsi parin siya ng ina, dahil matalino at masipag naman siya kung kaya’t tiyak na aangat siya sa lahat.
Photo credits: Shamcey Supsup | Facebook
Dahil nga sa kanyang lakas ng loob at determinasyon ay nagawa niyang lampasan ang buhay sa lungsod. Na maging ang pangarap na makapasok at makapag-aral sa University of the Philippines – Diliman (UP-Diliman), ay nagawa niyang isakatuparan. Nakapagtapos nga si Shamcey sa UP ng Architecture.
Hindi naman nakaligtaan ng beauty queen na magbigay ng payo sa mga katulad niyang lumaki sa probinsya na tinatawag na promdi. Ayon nga kay Shamcey, ay wag matakot sa pag-abot ng pangarap. Dahil, ang bawat isa ay ipinanganak upang mag-stand out kaya naman, dapat ipagmalaki ang sarili sapagkat walang katulad ang pagkatao ng bawat isa sa mundong ating ginagalawan.
Narito ang kwento ng pagiging promdi ni Miss Universe 2011 3rd Runner-up Shamcey Supsup.
My probinsyana story.
Bag-o ko nibalhin sa manila, sa katanggawan gyud ko nidako. Akong papang kay farmer. Wala mi silingan kay layo man mi sa barrio so wala koy gihimu kundi mag tuon lng sa balay kay ako lng man isa. Sa balay ang tao lng ako, akong papa ug auntie kay si mama OFW man. Aside sa ila, daghan mig pato, manok ug kabaw. Perti nakong ituma kay sigi man ug dula sa gawas. Naa pa gani time na gikuto ug maayo ? Suko kayo si mama pag muuli kay ang puti na lng daw sakoa kay ang ngipon ug akong mata.Tung nag high school ko, gipabalhin ko ni mama sa manila kay diri man iyang trabaho. Suko kaayo ko uy kay ganahan naman ko sa akong school sa MSU. Pero ang tinuod nahadlok ko mubalhin kay baliko akong tagalog ba. Baysin himuon lng kong kataw-anan sa akong mga classmates. Pero ingon sa akong mama, bisag asa ka ibutang, kung bright ka ug kugihan pa gyud, mu excel ka gihapon.
Photo credits: Shamcey Supsup | Facebook
True enough, ni graduate ko ug salutatorian sa makati high school ug nakasulod sa akoang dream university ang UP. And they would say, the rest is history.Kaya sa tanan na Promdi diha, ayaw mo maulaw o mahadlok kay world class pud mo, ako gani niabot sa universe! ?
P.S. Perting payata gyud nako niadto uy, tas ako pa gyud pinakataas sa tanan. Ingon sa uban mura daw ko ug tingting ? aside pa gyud ana, ngano man Supsup pa gyud akong apelyido uy. Pag roll call sa klase, akuang pangalan ang comedy ? Niadto, pangandoy lng nako na mag blend it lng sa tanan ba, na maging normal/common lng. Pero sabi nga, why blend in when you are born to stand out? Kaya stand proud wherever you are because there is no one exactly like you in this world.”