‘Kung ano ‘yung sinagot ni Rabiya, ‘yun na rin’: Miss Manila Alexandra Abdon, Kinagiliwan ng mga Netizens Matapos Sagutin ang Final Question na Sinagot ni Rabiya sa Miss Universe Philippines 2020 Pageant

Halos lahat nga ng kandidata ng Miss Universe Philippines 2020 ay nais maiuwi ang korona. Kaya naman, ganun na lamang ang pagpupursige ng bawat isa na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya mapanalunan lamang ang titulo bilang Miss Universe Philippines 2020.

May mga kandidata nga na talagang bigay todo sa kanilang naging performance, kung saan ay ipinamalas ang kanilang husay at galing sa pagrampa at pagbigay ng kahanga-hangang kasagutan sa mga hurado.
Ngunit, may mga kandidata rin naman na mas piniling ienjoy ang bawat sandali habang nasa kompetisyon, kung saan ay ipinakita ang pagiging totoo ng kanilang sarili. Tulad na lamang nga ni Miss Manila Alexandra Abdon na talagang chill na chill, at inenjoy lamang ang sinalihang pageant.




Unang pinukaw ni Miss Manila ang atensyon ng mga netizens sa preliminary round ng Miss Universe Philippines pageant sa kanyang naging kasagutan sa mga tanong ng hurado. Tila nga nakikipag-usap lamang si Miss Manila sa isa niyang kaibigan habang kaharap ang mga hurado dahil sa kanyang pagiging kaswal na talagang enjoy na enjoy sa pagsasalita.

Photo credits: alexandra.abdon | Instagram

Magmula nga ng mapanood ang video ni Miss Manila sa preliminary round, ay sinubaybayan na siya ng mga netizens dahil sa kanyang pagiging masayahin at kwela na tila ba masarap maging kaibigan.

At kamakailan nga, sa panayam ng “The Geri General”, ay muli na namang lumikha ng ingay sa social media si Miss Manila na talagang kinagiliwan ng mga netizens. Ito nga ay matapos nitong sagutin ang final question ng Miss Universe Philippines pageant na sinagot ni Rabiya Mateo, ang itinanghal na Miss Universerse Philippines 2020.

Ang naging katanungan sa nagwaging Miss Universe Philippines 2020 na sinagot naman ni Miss Manila sa panayam ay:

“If you could create any new paper currency with the image of a Filipino on it, dead or alive, who would it be and why?”

At tulad nga ng inaasahan sa personality ni Miss Manila, ay nagbigay ito ng isang kaswal na kasagutan na hinangaan, at kinagiliwan ng mga netizens.




Saad nga nito, ay wala na umano siyang maisip na magandang kasagutan, kung kaya’t kung ano ang naging sagot ni Rabiya, ay yun na rin umano ang kanyang sagot.

“Katulad ng explanation ko kanina, wala akong maisip na mas magandang sagot. So, kung anong narinig kong sagot, so kung ano yung sinagot ni Rabiya, ‘yun na rin lang ang sagot ko!”

Hindi naman nawala ang pagkakwela ni Miss Manila, dahil ayon nga rito, bakit pa umano siya magbibigay ng opinyon ay may nanalo na.

“And for the record, ‘yon yung winning answer. So, bakit ka pa magbibigay ng sariling opinion, may nanalo na?”

Photo credits: alexandra.abdon | Instagram

Sa huli ay binati naman niya si Rabiya sa nakamit nitong tagumpay.

“Congrats, Rabiya. Basta Ilongga, guwapa!”

Photo credits: rabiyamateo | Instagram

Samantala, ang mga netizens naman na aliw na aliw sa personality ni Miss Manila, ay nagbigay ng komento at reaksyon. Ang ilan nga, ay nais ipasok ang beauty queen sa Pinoy Big Brother, dahil tiyak na magbibigay saya ito sa mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

“Pag nag big brother toh… sobrang raming manonood! Pramis! Girl, go na… Audition ka na sa KUMU, strike while the iron is hot.”
“After preliminary lagi ko na sinusubaybayan. Ang chilll and ang authentic ng personality. PBB ka na Ms. Manila or vlog. I swear napakadaming susuporta.”

Matatandaan naman na marami ang napahanga ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, sa kanyang naging kasagutan na:

“If I were given the chance, I want to use the face of Miriam Defensor Santiago for those who don’t know, she was an Ilongga. But what I admired about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country. And I want to be somebody like her. Somebody who puts her heart, her passion into action. And after all, she is the best president that we never had.”