Si Ricardo Balarosa, Jr. o mas kilala bilang Wacky Kiray sa industriya ng showbiz ay isang komedyante na hinahangaan ng publiko dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa. Unang nakilala si Wacky Kiray sa celebrity talent competition na “I Can Do That” ng ABS-CBN kung saan ay siya ang itinanghal na The Greatest Entertainer noong 2017.
Dahil nga sa ipinamalas na husay ni Kiray magmula ng makilala sa showbiz, na sinamahan pa niya ng sipag at tyaga, ay natupad niya ang isa sa pinakaaasam niyang pangarap sa kanyang buhay. Ito nga ang magkapundar ng sariling bahay.
At ang naging bunga ng pagsisikap ng komedyante sa showbiz ay isang 4-storey house na may kabuuang sukat na 55 sqm na matatagpuan sa Quezon City. Minsan nang naitampok sa programa ng Rated K at Magandang Buhay ang bahay na bunga ng pagsisikap ng komedyante, kung kaya’t may ilan na sa kanyang mga tagahanga ang nasilip na ang loob ng kanyang tahanan.
Ngunit, kamakailan lamang, October 21, ay tampok sa latest vlog ng komedyante ang transformation at detalyadong house tour sa kanyang napakagandang bahay.
Sa pagsisimula ng vlog ni Wacky, ipinakita muna niya ang labas ng kanyang tahanan kung saan makikita ang apat na palapag nito. Ayon nga sa komedyante, ay tila isang kulungan ng ibon ang kanyang bahay noon dahil sa pabilog nitong disenyo. Ngunit ngayon, ay kaaya-aya na itong pagmasdan dahil sa modernong disenyo nito, at masasabi talaga na nagmukha na itong bahay.
Pagpasok naman sa loob ng tahanan ng komedyante, ay masisilayan ang kombinasyon ng rustic modern at wooden design nito. Magmula sa ceiling, hagdan at maging mga furniture ay pawang mga wooden design.
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Inilibot na nga ni Wacky Kiray ang mga viewers sa loob ng kanyang tahanan na nagsimula sa 1st floor. Kapansin-pansin ang mga makikitang paintings na nakasabit sa bawat sulok ng tahanan ng komedyante. At ang apat na naggagandahang painting na ito, ay bigay umano ng asawa ni Ricky Isidro, na nakadagdag sa ganda ng tahanan ng komedyante.
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Samantala, ipinaliwanag rin ni Kiray ang mga kagamitang makikita sa loob ng kanyang tahanan. Mapapansin na ang ilan nga sa mga ito ay regalo ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz.
Sa pantry area naman makikita ang stocks nilang pagkain. Ang mga estante ay makikitang punong-puno ng iba’t ibang klase ng pagkain. Makikita rin dito ang ilang kagamitan sa pagluluto at catering.
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Hindi rin pinalampas ni Wacky Kiray na ipasilip ang silid ng kanyang pamangkin na si Joyjoy, na itinuring na ring parang sariling anak ng komedyante.
Sa ikalawang palapag naman, bubungad agad ang terace ng bahay. Ayon nga sa komedyante, bata pa lamang siya ay nais na niyang magkaroon ng maraming terace ang kanyang dream house. Dito naman siya madalas tumambay at mag-relax dahil sa napakagandang tanawing masisilayan rito. Makikita rin dito ang ilang mga luntiang halaman.
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Samantala, sa 2nd floor rin matatagpuan ang dining area at kitchen area ng tahanan ni Wacky Kiray. Ito ay upang nasa gitna umano para salubong sila ng kanyang pamangkin kapag kakain. Sa 3rd floor kasi ang silid ni Wacky Kiray, samantalang ang silid naman ni Joyjoy ay sa 1st floor.
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Photo credits: Wacky Kiray | Youtube
Bago naman makaakyat sa 3rd floor, ay mapapansin ang isang sucrifix at rosaryo na nakasabit sa hagdan na mula pa sa Vatican. Ayon sa komedyante, ay inilagay niya ito sa naturang lugar dahil umano sa bukas ang kanyang 3rd eye, at may nagpapakitang kakaibang nilalang dito. Bagama’t wala naman na ito ngayon, ay minabuti parin ng komedyante na huwag asilin ang rosaryo.