Komedyanteng si Super Tekla Naging Emosyunal at Napaluha sa Mensahe ng Kanyang Panganay na Anak na si Theora

Kilala na ang komedyanteng si Super Tekla ng publiko bilang masayahin at palabirong tao dahil na rin sa kanyang pagiging komedyante. Isa nga si Tekla sa hinahangaang komedyante sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa.

Kaya naman hindi nakapagtataka na maraming netizens ang talagang naaaliw sa kanya at natutulungan niyang makalimutan ang problema dahil sa kanyang mga nakakatawang banat at mga jokes.
Ngunit, sa kabila naman ngiti at halakhak ng masayahing Tekla, nagtatago ang hirap ng kanyang pinagdaanan at kalungkutang kanyang nararanasan.




Sa mga panahon ngang kailangan ni Tekla ng taong makakausap upang gumaan ang kanyang pakiramdam, ay napakapalad niya dahil mayroon siyang maaasahang mga kaibigan. Katulad na lamang nga ng showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz na talagang nakasuporta at mahal na mahal si Tekla.

Kamakailan nga, ay isang surpresa ang inihanda ni Ogie para pasayahin si Tekla. At hindi naman inaasahan ni Tekla, na talagang mapapaiyak siya sa surpresa nito. Ito nga ay matapos mapanood ang video na naglalaman ng mensahe ng kanyang panganay na anak na si Theora Airah Librada, anak ni Tekla sa una niyang partner na si Airyn Gonzalez.

Bagama’t abala sa trabaho sa showbiz at hindi nakakasama ang anak, ay hindi naman nakakalimutan ni Tekla na gampanan ang kanyang responsibilidad kay Theora bilang ama rito. Noong mga panahon ring wala pang pandemya, ay nagkakaroon rin ng oras ang mag-ama upang makapag-bonding sila. Madalas rin umano silang nag-uusap at tinuturuan na maging mabuting bata.

“Daddy, kahit malayo siya at hindi kami magkasama. Palagi kami nag-uusap at pinapaalala niya na maging mabuti ako sa lolo at lola ko na nag-aalaga sa ‘kin ngayon. At ‘yung responsibilidad niya sa ‘kin hindi niya nalilimutan.”

At sa bawat salita na nagmumula kay Theora, ay hindi maikakaila na mahal na mahal nito ang kanyang ama. Nangako rin ito na balang-araw ay susuklian ang pag-aalaga sa kanyang ama, kaya naman, pinagbubutihan nito ang pag-aaral.




“Mahal na mahal ko po ang daddy ko at lagi ko pinapangako na pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para ako naman ang mag-aalaga sa kaniya balang araw.”

Sa huling mensahe ni Theora, ay sinabi nito na palagi siyang nakasuporta sa kanyang ama at sa kanyang kapatid.

“Lagi kang magpapakatatag, daddy. Manalig ka kay Lord. Nandito lang ako laging nakasupporta sa’yo at sa kapatid ko.”

Matapos mapanood ni Tekla ang video, ay hindi na nga napigilan pa ng komedyante ang pagtulo ng kanyang luha. Talaga namang naantig si Tekla sa mensahe ng kanyang panganay na anak. Ayon nga kay Tekla, ay proud siya kay Theora dahil napakaganda ng pagpapalaki rito, at ang itinuturing ng komedyante na isa sa kanyang kayamanan.

“Sobrang proud na proud ako sa batang ito kasi ang ganda ng pagpapalaki sa kaniya. Walang galit sa puso ‘yung bata. Isa ‘yan sa mga yaman ko talaga.”

Samantala, ang anak naman ni Tekla sa dating kinakasama na si Michelle Lhor Bana-ag, ay isa rin sa matinding pagsubok na kinakaharap ni Tekla. Ang anak kasi na ito ni Tekla, ay may mga komplikasyon ng ipanganak. Kaya naman, bilang ama ni Angelo ay gagawin ni Tekla ang lahat upang maisalba ang buhay ng anak.

Dito nga mas nasubok ang pagnanampalataya ni Tekla sa Diyos. Marami mang pagsubok na kinakaharap, naniniwala naman ang komedyante na ang bawat hamon at problema sa buhay ay may kaakibat na solusyon.

“Hindi siya pagsubok, isa siyang malaking hampas sa akin, luluhod ka talaga sa Diyos. Ito, big realization. Ang kagandahan lang, hindi niya binigay nang walang solusyon.”

Grabe pala pinagdaanan ng Donekla! (Part 2) - Ogie Diaz