Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak sa edad na 39 ng dancer at designer na si Regine Tolentino, ay hindi maikakaila na napanatili nito ang angking kagandahan at magandang hubog ng pangangatawan. Bagay na talagang kahanga-hanga sa kanya, magmula ng makilala sa showbiz ay tila hindi nagbago ang panlabas nitong kaanyuan.
Kilala rin si Regine bilang isa sa pinakamahusay at may kahanga-hangang talento sa pagsayaw sa showbiz. Dito nga siya higit nakilala ng publiko mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Ngunit, ang higit namang kahanga-hanga sa mahusay na dancer, ay ang pagiging mapagmahal niyang ina sa kanyang tatlong anak. Sa katunayan nga nito, ay proud na proud siya sa kanyang mga anak na talagang mabubuti at mapagmahal ring mga anak.
Isa na nga rito ang panganay niyang anak na si Reigen Maristela, na nagmana sa kanyang Mommy Regine, na taglay ang kahanga-hangang kagandahan at tila isang modelo dahil sa pagiging sexy at matangkad nito.
Si Reigen ay 18 taong gulang na ngayon, na kung pagmamasdan ay talagang isa nang ganap na dalaga. Hindi maikakaila na mala-artistahin ang taglay na ganda ni Reigen, kaya naman, ngayon pa lang ay marami na ang nagtatanong kung susunod rin ba ito sa yapak ng kanyang ina sa showbiz.
Ngunit, sa ngayon ay wala pa sa isip ni Reigen ang pasukin ang mundo ng showbiz, dahil nakatuon ang kanyang pansin sa pag-aaral. Ngayon nga, ay nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo, at makikita ang kasipagan at pagsusumikap nito sa pag-aaral.
Napakapalad naman ni Regine kay Reigen bilang panganay na anak niya sapagkat lumaki itong napakabuting bata. Na kung saan ay maalaga sa kanyang mga kapatid, at sa dancer bilang magulang nito. Bukod rito, ay proud rin si Regine dahil hindi ito maluho at showoff sa ibang tao.
Hindi naman maikakaila na marami talaga ang humahanga kay Reigen sa angking kagandahan nito, ngunit sa kabila nito ay nananatiling mapagkumbaba at simple ang dalaga. Samantala, bagama’t taglay ang kahanga-hangang kagandahan, mapapansin naman na may pagkamahiyain ito. Mapapansin kasi sa Instagram nito na hindi mahilig magbahagi ng kanyang mga larawan, at mas hilig nito magpost ng mga larawan ng magagandang lugar.
Kaya naman, kapag nagbahagi si Reigen ng kanyang larawan, ay talagang mamangha ang sinuman dahil sadyang napakaganda nga nito. Kapansin-pansin rin na may pagkakahawig talaga ang mukha nito sa kanyang ina. Hindi naman nakapagtataka na namana nito ang husay ni Regine sa pagsayaw, dahil makikita na todo hataw rin ito kapag nasa dance floor.
Maging sa pagiging designer ay may abilidad rin si Reigen. Kaya naman, tiyak na ipapamana ni Regine ang kanyang negosyo na sinimulan niya magmula pa noong 1999 na “Regine Tolentino Atelier.”