Tiyak na marami na sa atin ang kilalang-kilala ang aktres na si Dimples Romana, hindi lamang dahil sa kanyang magandang mukha kundi pati na rin sa kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte. Isa nga ang aktres sa hinahangaan ng publiko sa kanyang mga sopistikang pagganap sa mga teleserye.
Isa nga sa teleseryeng tumatak sa ating mga manonood na ginampanan ni Dimples, ay ang “Kadenang Ginto”, kung saan gumanap siya bilang si Daniela Mondragon, anak ng isang mayaman. Hindi maikakaila na nagampanang mabuti ni Dimples ang kanyang karakter sa nasabing teleserye.
Ngunit, maliban naman sa kanyang kahanga-hangang karakter sa teleserye, ay may isa pang papel si Dimples na hinahangaan rin ng lahat, ang kanyang pagiging ina at asawa sa tunay na buhay.
May dalawang anak si Dimples sa kanyang asawang si Boyet Amee, si Callie ang panganay, at si Alonzo naman ang bunso. At bilang isang masayang pamilya, ay madalas silang magkaroon ng bonding moments. Kahit nga abala si Dimples sa kanyang trabaho at iba pang bagay, ay hindi naman siya nagkukulang na magbigay ng oras sa kanyang pamilya.
At isa nga sa kanilang bonding moments, ay ang pagti-TikTok na talaga namang good vibes ang hatid sa kanilang mga tagahanga. Kadalasan ring kasama ng aktres ang kanyang bunsong anak na si Alonzo sa kanyang mga Tiktok videos. Makikita nga, na namana ni Alonzo ang magandang katangian ng kanyang mga magulang sapagkat sa murang edad ay masisilayan na kay Alonzo ang magandang lalaki.
Walang duda nga ang kacute-an at kagwapuhang taglay ni Alonzo na ngayon pa lang ay hinahangaan na publiko. Samantala, bukod naman sa gwapo nitong mukha, ay kahanga-hanga rin ang angking talento ni Alonzo sa pagsayaw. Makikita nga sa Tiktok videos nito ang nakakamangha nitong galing sa pagsayaw na kung saan ay talagang kinagigiliwan ng mga netizens.
Sa taglay na kagwapuhan at talento ni Alonzo, ay masasabi na malaki ang tsansa nitong maging isang sikat na artista sa showbiz lalo pa’t ngayon pa lang ay makikita na sa bata ang kumpiyansa sa sarili.
Bagama’t, hindi pa nakakapasok sa mundo ng showbiz si Alonzo, ay hindi maikakaila na marami na itong tagahanga. Ngunit, dahil nga limang taong gulang pa lang ang bata, ay mas nais ni Dimples, na huwag muna isabak sa pag-aartista ang anak upang maenjoy nito ang pagiging isang bata.