Kathryn Bernardo, Ibinahagi Kung Gaano Ka-close sa Isa’t isa ang Kanyang Inang si Mommy Min at Ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada

Tila napakapalad nga ng aktres na si Kathryn Bernardo, bukod nga sa namamayagpag niyang karera ay biniyayaan rin siya ng isang mapagmahal na nobyo sa katauhan ng aktor na si Daniel Padilla.

At dahil sa labis na pagmamahal sa isa’t isa, ngayon nga ay walong taon nang magkasintahan ang dalawa. Hindi naman maikakaila na sa haba ng panahon ng kanilang pagiging magkasintahan, ay naging malapit na rin sa isa’t isa ang kani-kanilang pamilya.




Kamakailan lamang nang maging trending ang magkasintahan, matapos mapag-usapan ang tila pagpapakasal ng mga ito, na nabunyag naman sa huli na paghahanda pala ng KathNiel sa muli nilang pagtatambalan sa digital series na “The House Arrest of Us” kung saan ang kanilang karakter ay gaganap bilang mag-asawa. Nang mga panahong iyon, ay parehong may post ng pagpapahiwatig sa nasabing kasalan sa kanilang social media account ang Mommy Min ni Kath at ina ni DJ na si Karla.

Ayon nga sa kwento ni Kath, ay hindi naman maikakaila na sobrang malapit na sa isa’t isa ang kanilang mga magulang. Kaya naman, masaya si Kath na makitang may magandang samahan ang mga ito, at wala siyang masasabi sa mga ito. Maganda rin ang relasyon ni Kath sa ina ni DJ, maging si DJ sa kanyang ina.

“I think it’s safe to say na okay ‘yung relationship ni Tita Karla, ako kay tita Karla. Si Mama and si DJ super okay.”

Ayon pa nga kay Kath, ang magandang relasyon na meron ngayon ang kani-kanilang pamilya, ay kasabay rin ng matatag at matibay nilang relasyon ni DJ. Makikita nga na madalas magkasama ang kani-kanilang pamilya sa tuwing may okasyon sa pamilya ng bawat isa. Tunay na ring kapatid ang turing ni Kath sa mga kapatid ni DJ, na kung saan ay sobrang lapit na rin sa isa’t isa.




“Happy kami na in real life maayos ‘yung pamilya namin pareho, siguro tumatag na rin sila over the years naming magksama. Pati mga kapatid niya parang kapatid ko na rin, sina Maggie and Carmela.”

Masasabi naman na hindi lang basta future mother in law ang relasyon ni Kath sa ina ni DJ na si Karla, dahil parang tunay na ina na rin niya ito. Ganun rin daw si DJ sa kanyang Mommy Min. Isa na ngang extended family, ang turing sa kani-kanilang pamilya ng bawat isa.

“Si Mama and si Tita Karla and kami ni Tita Karla personally, parang extended family ko na rin sila and I’m happy na ganun ‘yung klase ng relational na mayroon kami. Hindi lang kami pati ‘yung relationship with our families.”

Samantala, matatandaan naman na minsan nang ipinahayag ni Karla sa programang “Magandang Buhay” kung gaano siyang nagpapasalamat kay Kath.