Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Enjoy na Sinabayan si Gardo Versoza sa Isang TikTok Dance Video

Usong-uso nga naman ngayon ang mga TikTOk dance video, kung saan hindi lang ang mga netizens ang talagang nahuhumaling dito kundi maging mga kilala nating mga celebrity ay hindi nagpapahuli na gawin ito sa kani-kanilang mga TikTok accounts.

At nito nga lamang nakaraan, maging ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ay hindi rin nagpahuli at nakipag-TikTok craze na rin.




Nito nga lamang ika-30 ng Setyembre 2020, araw ng Miyerkules ay nagbahagi ang aktor na si Gardo Versoza sa kanyang Instagram account ng isang video kung habang siya ay sumasayaw sa TikTok video, ay nakisabay na rin sa kanya ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Photo credits: Gardo Versoza | Instagram

Makikita nga sa unang parte ng naturang video na noong una ay sina Gardo at Kathryn Bernardo lamang ang magkasamang sumasayaw ng isang popular na TikTok tune, hanggang sa bigla na lamang lumitaw si Daniel sa tabi nina Grado at Kath, at nakisabay na rin ng pagsasayaw.

Kalakip nga nga naturang video ay ang naging caption ni Gardo Vesoza na;

“Ito na po yung matagal niyo nang nirerequest cupcakes,”

#bagongrecruitNiCupcake thank you so much cupcakes #kathniel @supremo_dp @bernardokath labyu both

#thehousearrestofus

Ang nakakatuwang TikTok craze nga na ito ni Gardo Versoza, kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay ni-record habang sila ay nasa set ng ginagawang digital movie series ngayon ng ABS-CBN’s films production unit ng Star Cinema na “The House Arrest of Us”.

Maliban nga sa naunang TikTok video na ibinahagi ni Gardo Versoza, ay muli itong nagbahagi ng isa pang TikTok dance video niya, kung saan sa pagkakataong ito ay hindi lamang sina Kath at Daniel ang nakisabaya sa kanya, kundi maging ang co-stars nilang sina Alora Sasam at Hyubs Azarcon.




Ang “The House Arrest of Us”, ay pagbibidahan ng magkasinatahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. ito ay isang rimatic-family digital movie series, tungkol sa kwento ng dalawang tao na na-stuck sa lockdown kasama ang kanilang pamilya.

Nilinaw naman nina Kathryn at Daniel sa naging pag-anunsyo ng kanilang bagong pelikula na gagawin, na ang nasabing pelikula ay hindi ang susunod na kabanata ng kanilang blockbuster movie noon na “The Hows of Us”.

“It is not a sequel, basically hindi siya connected…. It’s a family series, nandu’n din ‘yung romance, halo-halo siya pero it’s not related”,

ang naging saad nga ni Kath.

“Kaya naman ginawa ito, dahil gusto naming bigyan ng kasiyahan ang mga tao. Sa panahon ngayonna maraming binibigay na ppagsubok at problema, gusto natin magbigay ng ngiti”,

naging saad naman ni Daniel.

Ang serye ngang ‘The House Arrest of Us’ ay mayroog 13-episode, at ito ay magsisimula umere sa KTX sa ika-24 ng Oktubre at mapapanood naman ito sa iWant-TFC simula sa ika-25 ng Oktubre.
Ilan naman sa mga kilalang artista na makakasama nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa seryeng ito ay sina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, at Dennis Padilla.

Muli ay marami na naman sa mga tagahanga nina Kath at Daniel ang siguradong aabangan at susubabayan ang bagong serye nilang ito, at panigurado na isa na naman ito sa magiging hit serye nilang dalawa.