Kasambahay ng Mag-asawang Dimples Romana at Boyet Amee na 17-Taong Nanilbihan sa Kanila Nakatanggap ng Brandnew House Mula sa Mag-asawa

Upang ibalik ang kabutihan at katapatan sa kanilang kasambahay, na sa hirap man o ginhawa ay hindi sila iniwan, isang surpresa ang handog ng aktres na si Dimples Romana at ng asawa nito na si Boyet Amee sa kanilang itinuring ng kapamilya na kanilang kasambahay na si Vilma, o Ate V.

Sa kanyang latest vlog, ay documented ni Dimples ang pasorpresa nila para kay Ate V, kung saan noong ika-16 ng Oktubre, araw ng Biyernes ay isang teaser ang unang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account, at ang kabuuan nga ng naturang video ay ibinahagi na niya sa kanyang YouTube channel.

Ayon nga sa naging introduction ng vlog ni Dimples, ang kasambahay nilang si Ate V, ay isa sa itinuturing nilang “biggeset blessings in life”, ng kanilang pamilya. At mula pa noong sila’y maging mag-asawa ni Boyet noong taong 2003, ay kasama na nila si Ate V, na nagsisilbi sa kanilang mag-asawa.

Ibinahagi rin ni Dimples, na sa tagal ni Ate V sa kanila, ay talaga namang napatunayan nilang mag-asawa kung gaano sila ka-swerte at naging kasamabahay nila si Ate V, ito ay dahil “through thick and thin”, ay hindi sila iniwan nito.




Narito nga ang naging pagpapakilala ni Dimples kay Ate V (published as is):

“Itinuring na niya kaming kapamilya at pamilya din naming siya.
“Kasama namin siya sa kalungkutan, kaguluhan, sa pagpupursige at tagumpay.
“Kasama naming siya nung nagsisimula pa lang kami.
“Puro dasal at pangarap lang kami nun. Nagsisimula pa lang mag-ipon.”

Kasunod nito, ay muli ring binalikan ng aktres, ang mga panahon kung saan ay maliiit lamang ang kinikita nilang mag-asawa, at talagang umabot sila kinakapos na sila at halos ilang buwan nilang hindi napapasahod si Ate V.

Ayon nga kay Dimple, noong panahon na talagang kinakapos sila, ay kinausap na niya si Ate V, na pwede na itong umalis o iwanan sila.

“I would always ask her and tell her, pwede na niya kaming iwan dahil nahihirapan na kami to give her salary…
“and yet through thick and thin, hirap at ginhawa, sa meron at wala, hindi niya kami iniwan.”

Ibinahagi rin ni Dimples, na talagang napakalaki ng utang na loob nilang mag-asawa kay Ate V, ito ay dahil sa ito ang lahat ang nag-aasikaso sa loob ng kanilang tahanan, lalo na sa kanilang mga anak sa mga panahon na siya ay wala dahil sa abala siya sap ag-taping at shooting sa mga proyekto sa showbiz na kanyang gingawa.

Samantala, sa naging kaganapan naman sa naging pasurpresa nina Dimples at asawa nitong si Abet kay Ate V, ay noong una, ay sinabi lamang nila rito na may bibilhin silang isang bahay sa townhouse at ito’y kanilang pauupahan, at nais lamang nilang hingin ang “approval” o opinion ni Ate V, kung maganda ba ang bahay, at dapat nilang bilhin.

Dahil nga sa tuwing may binibiling property ang mag-asawa, ay kailangang aprubado ito ng buong pamilya, kaya naman, napilitang sumama si Ate V, kung saan ito ang unang pagkakataon na lalabas siya ng tahanan, mula ng magkaroon ng pandemya.

Makikita nga sa naturang vlog ni Dimples, na isinakay nila si Ate V sa kanilang kotse at isinama sa isang bagong bahay, kung saan ay ito nga ang sinabi nilang bibilhin nilang mag-asawa upang parentahan.

Bawat sulok nga ng bahay, ay masiglang nilibot nina Dimples, Boyet at Ate V. At ilang beses ring maririnig sa naturang video, ang pagsambit ni Ate V, na maganda ang bahay, at aprubado sa kanya, kaya’t maaari na iyong bilhin ni Dimpes.

Nang makarating naman sa ikalawang palapag, ay isa-isang pinasok ng tatlo ang mga silid na narito, at ang pinakahuling silid nga na kanilang pinasok ay ang master’s bedroom kung saan ay bigla na lamang napatigil si Ate V, ng makita nito ang nasa loob ng nasabing silid.

Makikita nga sa master’s bedroom, ang isang set-up na kung saan ay may nakadikit sa dingding ang mga letter balloons na nagsasabing “OO PARA SAYO ITO”, at katabi pa nito ay ang nakangiting standee ni Ate V.

Sa nakitang ito ni Ate V, ay talaga namang siya’y nagulat, natigilan, at makikita sa kanyang mukha ang bakas ng sobrang kaligayahan na hindi makapaniwala dahil sa napakagandang biyaya na ipinagkaloob sa kanya ng mag-asawa.

Hindi nga makapaniwala si Ate V, at sa sobrang kaligayahan ay hindi niya mapigilan ang mapaluha, at paulit-ulit na itanong kay Dimples;

“Oy ano bay an? Oy Bakit ako? Para sa akin ba yan?, ang mga naging katanungan nga ni Ate V kay Dimples.

Natatawang tumango lang naman si Dimples, at si Ate V naman ay talagang tila gulong gulo na sa mga nangyayari, dahil sa hindi inaasahang sorpresa na ito.




Dahil sa talagang para kay Ate V ang naturang bahay, ay hindi na nito napigilan pa ang mapa-iyak, kung saan maging si Dimples ay napaluha na rin, at si Boyet na asawa nito ay kalaunan ay makikita na nagpunas na rin ng kanyang mga mata.

Matapos naman magpahid ng luha, ay muling nagsalita si Ate V, at sa pagkakataong ito, ay puro na ito pasasalamat para sa pamilyang kanyang pinagsilbihan ng ilang taon.

“Tenk u, tenk u sa inyong dalawa, pati sa mga bata, sina Alonzo at Callie… Baka hindi ko na alam ang timpla ng adobo dahil sa surprise na ito.. Walang pasabi, Diyos ko, ginoo, Thank You Lord’, saad ni Ate V.

Bago naman matapos ang naturang vlog, ay ibinahagi rin ni Dimples, kung gaano sila ka-Thankful mag-asawa, dahil sa wakas, ay masusuklian nang kanilang pamilya si Ate V, sa serbisyo at pagmamalasakit nito sa kanila, lalo na ang naging pagmamahal nito sa kanyang mga anak.

“Mahal na mahal ni Ate V ang mga bata”, saad ni Dimples.

“Punong puno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos, dahil ngayon, maibabalik na naming sa kanya ang lahat ng pagmamahal at taon na ibinuhos niya sa amin”, dagdag pa ng Kapamilya actress.

“Eto ang pasasalamat naming sayo ate V. Sana magustuhan mo”, ang sabi pa nga ni Dimples.

Ang brand-new house na sorpresa ni Dimple at Boyet kay Ate V, ay bagong gawa, yari sa semento, may moderno na malaking bintana, may impressive na hagdan at ito ay nasa hilera ng townhouses na nakatayo sa isang lugar na tila mapayapa at maaliwalas.