Judy Ann Santos, Namahagi ng 300 Foodpacks sa mga Frontliners sa Gitna ng Pagsalanta ng Bagyong Quinta

Tunay na sa gitna ng anumang unos ay patuloy na nangingibabaw ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga Pinoy. At kamakailan nga, sa pagsalanta ng bagyong Quinta na nagdulot ng matinding pinsala sa iba’t ibang dako ng bansa, ay muling namayani ang pagtutulungan.

Photo credits: Judy Anne Santos-Agoncillo | Instagram

Hindi naging hadlang ang bagyo at hindi rin pinalampas ni Judy Ann Santos ang pagkakataong makapagpaabot siya ng tulong sa mga frontliners kahit pa nasa gitna ng pananalasa ang Bagyong Quinta.
Sa Instagram ng aktres, ay ibinahagi niya ang kanyang pamamahagi ng 300 foodpacks para sa mga frontliners sa tulong na rin ng green cross.




Makikita naman sa larawan na siya mismo ang nagprepara ng mga pagkain na kanyang ipapamahagi sa mga frontliners. Ang mga naturang pagkain ay ang pagkain na kanya ring niluluto sa kanyang Angrydobo restaurant.
Sa kanyang post ay pinasalamatan niya ang mga taong tumulong sa kanya upang matapos niya ang paghahanda ng pagkain. Alas singko pa lang nga ng umaga ay nagsimula na silang magprepara. At kanila ngang naihanda ang 300 food packs na ipapamahagi sa mga frontliners.

“Today was a good day. We had the privilege to make 300 food packs to our frontliners c/o my Greencross family. Thank you so much for the trust! And a big shout out to our cast members na kahit may bagyo, at 5 a.m. they were all in Westgate to start the prep already.”

Pagbabahagi naman ni Juday, ay sumailalim silang lahat sa swabtest upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Naging negatibo naman ang resulta ng kanilang test.

“We had all our cast members (including us) undergo swab testing as part of our safety protocols, and they all tested negative.”




Ayon naman kay Juday, ay hindi hadlang ang anumang bagyo upang tumulong o magbigay ng malasakit sa kapwa. Dahil, napakasarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa. Sa huli ay pinaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat at maging malusog.

“Walang bagyo bagyo sa pagbibigay ng malasakit sa kapwa. Libre at masarap sa pakiramdam ang magpakita ng malasakit at appreciation hindi lang sa ating mga frontliners, kundi sa lahat ng kapwa natin. Stay safe, healthy and positive everyone!”

Hindi naman ito ang unang pagkakataong ipinakita ni Juday ang kanyang kabutihang loob sa pagtulong sa mga nangangailangan. Matatandaan nga na noong nakaraang Abril rin ay nagpaabot siya ng tulong sa mga frontliners na lakas-loob na nakikipagbuno sa COVID-19, at isinusugal ang kanilang buhay para sa sambayanan.

Kaya naman, sa pangalawang pagkakataong ipinamalas ni Juday ang kanyang kabutihan at pagpaabot ng tulong, ay mas lalo pa siyang hinangaan ng publiko.