Connect with us

Entertainment

Jinkee Pacquiao, Ipinasalip ang Ilan sa mga Naging Kaganapan sa Simple Celebration ng Ika-14 Kaarawan ng Anak na si Princess

Ang mga magulang ay talaga namang isa sa mga nangunguna pagdating sa pagprepara at pag-aasikaso para sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang mga anak.




At maraming mga magulang ang talaga namang pinaghahandaan ito ng bongga, kahit pa nga ba ngayong may pandemya, at limitado lamang ang mga kataong maaring maging bisita sa anumang mga selebrasyon o kaarawan.

Isa na nga sa mga magulang na ito na talaga namang hindi nagpahuli sa pag-aasikaso ng laarawan ng kanyang anak, ay si Jinkee Pacquiao.

   

Sa isang video vlog, ay ipinasilip ni Jinkee Pacquiao, ang naging paghahanda at kaganapan sa pagdiriwang ng ika-14 birthday ng anak nilang si Princess.

Makikita nga sa unang bahagi ng video, ang naging pagpapasilip ni Jinkee, ng mga naging paghahanda, at pagawa ng dekorasyon sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ng kanyang anak, at ito nga ay ginanap sa kanilang tahanan.

“14 years old na si Princess, how time flies”

“So ito yung naging paghahanda namin, konting bisita lang yung ininvite namin, dahil sa bawal naman, kaya family at konting friends lang”, ang naging saad nga ni Jinkee.




Makikita nga sa video, kung gaano kaganda ang mga dekorasyon para sa gaganaping kaarawan ni Princess, atnasabing selebrasyon nga ay mangyayari sa may bandang pool area ng tahanan ng mga Pacquiao.

Makukulay ang naging dekorasyon sa kaarawan ni Princess, at talaga namang ang mga pagkain na inihanda ay napakarami, kaya’t panigurado na mag-eenjoy ang mga bisitang dadalo.

Mapapanood rin sa naturang video ang pagbibigay ni Sen. Manny Pacquiao, ng kanyang mensahe para sa kanilang anak na si Princess, na nagdiriwang ng kaarawan.

“To my baby Princess, Happy Birthday, with you all the best, and more birthdays to come in your life.
And may the Lord give you wisdom, as you grow older. Thank you for being a good daughter to us, you always obey your parents, so Thank you for the love also to your mom and also to your Dad.

We always here for you. We always praying for your future, and don’t forget to put god in the center of your Life”, ang ilan nga sa naging mensahe ni Manny para kay Princess.

Makikita rin sa video, ang mga bisita na karamihan ay mga malalapit na kaibigan ng pamilya Pacquiao at ilan sa kanilang mga kapamilya.

Maging ang ina ni Manny na si Mommy D, ay nagbigay rin ng mensahe para kay princess.
Bago pa nga magsimula ang nasabing selebrasyon ay nag-alay muna ng panalangin si Sen. Manny Pacquiao, kung saan ay puno ito ng pasasalamat sa Poong Maykapal, sa lahat ng mga biyayang natatanggap ng kanilang pamilya.

Nagbigay rin ng maikling mensahe ang celebrant na si Prinscess, kung saan ay sinabi nito na hindi niya inaasahan na magkakaroon pa rin siya ng simpleng party, ito ay dahil sa pagkakaroon ng restriksiyon dahil sa pandemya.

At ipina-abot rin niya ang pasasalamat niya para sa kanyang mga magulang, na naghanda at nagprepara para sa kanyang kaarawan.

error: Content is protected !!