Isa sa pinakahirap na gawain ng isang ina ay ang pag-aalaga ng mga anak. Hindi nga biro ang mag-alaga ng bata dahil ito’y nakakapagod. Ngunit, sa kabila naman ng hirap at pagod sa pag-aalaga sa mga cute na bata, ay nakakatuwa rin at nakaka-enjoy ang makipaglaro sa kanila.
Ang seksing aktres at vlogger na si Ivana Alawi ay na-enjoy ang pagiging isang nanay sa loob ng isang araw nang alagaan niya ang kanyang pamangkin.
Kilalang isang vlogger si Ivana na talaga namang nakakaaliw ang mga hatid na videos na mapapanood sa kanyang Youtube Channel. At ang latest vlog nga ng aktres na pinamagatang “Mama for a Day”, ay kinagiliwan ng mga netizens. Sa vlog na ito, tampok ang pag-aalaga niya sa kanyang cute na pamangkin na si Gab. Si Gab ay anak ng kapatid ni Ivana na si Amari. Bagama’t, may pribadong buhay ang kapatid na ito ni Ivana, ay hinayaan naman nitong makasama ni Ivana ang anak sa kanyang latest vlog.
Sa pagsisimula ng video ay ipinakilala muna ni Ivana ang kanyang napakacute na pamangkin na ayon sa aktres ay “latest addition” sa pamilya ng Alawi. Makikita na kinukuha pa lamang ni Ivana ang loob ni Baby Gab, ngunit tila ayaw pa nitong sumama at magpakarga sa kanyang Tita Ivana. Hindi naman sumuko si Ivana, at sa huli nga ay nakuha na nito si Baby Gab na sumama at makipaglaro sa kanya.
Pinakain rin ni Ivana si Baby Gab ng miswa na may sayote. Makikita naman na maganang kumain ang bata kahit medyo may kalikutan ito. Tila naman kinareer na ni Ivana ang maging nanay ni Baby Gab, dahil nagkaroon pa sila ng interview portion kung saan tinanong ito ni Ivana ng “What does it feel like to be the newest Alawi?”. Hindi man nakasagot ang munting bata dahil hindi pa nakakapagsalita, ay isang cute na reaksyon naman sa mukha nito ang naging tugon sa kayang Tita Ivana.
Samantala, matapos ang paglalaro at makikipagkulitan kay Baby Gab, ay oras na upang patulugin ito. Ngunit, dito na nakaramdam ng hirap si Ivana dahil hindi niya alam kung paano mapapatulog ang pamangkin. Kaya naman, tinawagan na ni Ivana ang kanyang Ate Amira upang humingi ng tulong. At ang payo nga nito ay kargahin, pagurin at habolin si Baby Gab hanggang mapagod at makatulog ito. Bagama’t mahirap, ay mapapanood naman sa huling bahagi ng video na matagumpay na napatulog ni Ivana si Baby Gab.
Sa huli ay ibinahagi naman ni Ivana na nag-enjoy siya sa buong araw na kasama si Baby Gab habang inaalagaan ito. Nagpasalamat naman si Ivana sa kanyang Ate Amira dahil hinayaan siyang itampok sa kanyang vlog si Baby Gab.
Samantala, dahil sa pag-aalaga ni Ivana kay Baby Gab kahit sa maikling panahon ay nalaman umano niya kung gaano kahirap ang maging isang ina. Kaya naman, labis ang paghanga ng aktres sa mga nanay at mga single mom na nag-aalaga ng kanilang mga anak. Na ayon sa aktres ay the best umano ang mga nanay na matiyagang nag-aalaga ng kanilang mga anak.