Connect with us

Stories

Isang OFW Naging Inspirasyon Dahil Sa Kanyang Pagiging Masinop, Nakapagpundar ng Sariling Bahay, Lupa at Negosyo

Hindi nga biro ang mawalay sa pamilya upang magtrabaho sa ibang bansa. Ang matinding lungkot at pangungulila sa pamilya ang magiging kalaban habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ngunit, dahil nga sa hirap ng buhay, ang ilan sa ating mga kababayan ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Sila ang magigiting nating mga kababayan na OFW, na itinuturing na bayani hindi lamang ng kanilang pamilya kundi pati narin ng ating bansa dahil sa laki ng naitutulong nila sa ekonomiya ng bansa.

Marahil, may ilang mga OFW na hindi pinalad sa ibang bansa at nagkaroon ng mapait na karanasan. Ngunit, ang iba naman ay mapalad na nakatagpo ng mabuting amo na naging dahilan upang magkaroon sila ng magandang buhay. Katulad na lamang nga ng OFW na mula Hongkong na si Merry Rose Molo Tumonog.




Kasalukuyang namamalagi si Merry Rose sa Hongkong bilang isang OFW, ngunit bago pa siya mapunta sa Hongkong ay nakapunta na rin siya sa Jordan, Kuwait, at Cambodia upang magtrabaho. Kamakailan nga, ibinahagi ni Merry Rose ang kanyang nakamit na tagumpay na bunga ng kanyang hirap at sakripisyo sa ibang bansa. At ngayon nga ay nakapagpundar na siya ng sariling lupa, bahay, negosyo, motor at tricycle.

Photo credits: Merry Rose Molo Tumunog | Facebook

Pagbabahagi naman ni Merry Rose, sa edad na 21 taong gulang ay sumabak na siyang mangibang bansa upang magtrabaho. Base nga sa kanyang karanasan, ay hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan.

Photo credits: Merry Rose Molo Tumunog | Facebook

Samantala, nagbalik-tanaw naman si Merry Rose sa buhay na nakagisnan nilang 12 na magkakapatid. Noon raw ay napakahirap ng buhay ng kanilang pamilya. Ang kanyang ama ay namamasada ng tricycle, samantalang ang kanyang ina naman ay nagbabantay sa palengke. Ang maliit na kita nga ng kanyang mga magulang ay pinagkakasya lamang sa kanilang malaking pamilya upang matustusan ang pang-araw araw na gastosin.

Photo credits: Merry Rose Molo Tumunog | Facebook

Nangarap rin umano si Merry Rose noon na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo ngunit ang bagay na ito ay hindi suportado ng kanyang ama. Kaya naman, upang maiahon sa kahirapan ang pamilya ay gumawa ng ibang paraan si Merry Rose. Ito nga ang pagiging isang OFW, na kahit malayo sa pamilya ay nagawa niyang maging matatag at ang kanyang naging inspirasyon ay ang kanyang pamilya na nakakaranas ng hirap.

Photo credits: Merry Rose Molo Tumunog | Facebook




Photo credits: Merry Rose Molo Tumunog | Facebook

Photo credits: Merry Rose Molo Tumunog | Facebook

Sa kabila naman ng mga pagsubok na kinaharap ni Merry Rose, ay hindi siya nagpatinag bagkus ay mas lalo pa niyang nilakasan ang kanyang loob at naging matatag. Dahil nga, pamilya ang pinaghuhugutan niya ng lakas at inspirasyon, matapos ang ilang taon sa ibang bansa, ay mapalad si Merry Rose dahil natupad na niya ang pangarap na matagal na niyang inaasam para sa kanyang pamilya.

error: Content is protected !!