“Remember, your current situation is never your final destination,” ito ang naging pahayag ng isang matagumpay na negosyante matapos ang kanyang hindi makakalimutang karanasan dahilan upang magsumikap sa buhay.
Ang business tycoon na ito ay nakilala bilang si Adam Deering na matapos ang 18 na taon, ay binili kamakailan ang building ng bangko na hindi nagpautang sa kanya noon. Ang nabili niyang bangko ay ipapa-renovate niya upang gawing eight apartments at retail units.
Ayon sa kwento ni Adam sa Instagram, nabili na niya ang bangkong tumanggi na pautangin siya noon. Sa pagbabalik tanaw nga ni Adam, nagsimula ang lahat ng ito noong 21 taong gulang pa lamang siya. Naisip umano ni Adam na mag-loan sa naturang bangko noon upang simulan ang kanyang pangarap na makapagtayo ng sariling negosyo.
Photo credits: adam_deering | Instagram
“So last week, I bought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So when I was a broke a*s 21-year-old, I had a dream to work for myself and setup my own business.”
Dahil nga, desidido siyang tuparin ang pangarap na makapagtayo ng sariling negosyo sa murang edad, ay talagang pinagplanuhan niyang mabuti ang gagawin upang makapag-loan sa bangko. Naghanda umano siya ng business plan at nag-set ng appointment upang makausap ang manager ng bangko.
Buong-pusong nanalangin si Adam, na sana ay makapag-loan siya upang makapagsimula ng negosyo, sapagka’t hindi niya alam kung paano magsisimula ng walang hawak na pera upang maging kapital.
Ngunit, matapos umanong mabasa ng bank manager ang business plan, ay isang nakakalungkot na kasagutan ang kanyang natanggap. Ayon nga rito, ay masyado pa umanong bata si Adam at walang karanasan sa pagnenegosyo kung kaya’t hindi nila mapapaunlakan ang kahilingan nito.
“I sat down with my fingers and toes, crossed, and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronisingly tone said the problem is ‘Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage.’”
Photo credits: adam_deering | Instagram
Tila nga pinagsakluban ng langit at lupa si Adam sa hindi inaasahang pangyayari. Hindi rin nakapaghanda si Adam ng Plan B, dahil nga, iniisip niyang isang positibong sagot ang kanyang makukuha. Nang mga panahon na iyon, ay nakaalis na siya sa pinagtatrabahuan niyang kompanya kung kaya’t ang hawak niyang pera ay sapat lamang upang pambayad sa tinutuluyang apartment sa loob ng tatlong buwan. At ang natitira naman ay sapat lang ding pambyad sa phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit terms.
Photo credits: adam_deering | Instagram
Ang hindi nga makakalimutang karanasang ito ang nagsilbing inspirasyon kay Adam upang magsumikap sa buhay. Hindi nga nagtagal, ay pinatunayan ni Adam na hindi hadlang ang kanyang edad at kawalan ng karanasan sa pagnenegosyo upang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang matagumpay na negosyante.
At ngayon nga, ay kahanga-hanga ang nakamit na tagumpay ni Adam dahil siya ngayon ay namumuno sa limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.