Connect with us

Entertainment

Isang Lola Mag-Isa ng Namumuhay, at Sa Edad na 101-Taon Patuloy Pa rin ang Pagtratrabaho

Sa ating pagtanda ay mas mainam nga naman kung tayo’y may pamilya na makakatuwang, ngunit sadya nga namang nay nga taong itinadhana tumanda mag-isa, at hindi magkaroon ng kanyang sariling pamilya.




Isang 101-taong gulang mula sa Ilocos Sur, ang kamakailan lamang ay naiulat, dahil sa mag-isa na lamang itong naninirahan sa isang liblib na lugar sa nasabing bayan.

Ayon nga sa naging ulat ng Iwitness ang kawawang matanda, ay kinilala nilang si Lola Felicidad, kung saan sa kabila ng kanyang edad at halos namamaluktot ng pangangatawan dala ng katandaan, ay patuloy pa rin itong nagtatrabaho sa kabukiran.

Photo credits: GMA Network | I-Witness

“Hindi ko gusto ‘yung laging nakaupo, walang ginagawa.”

“Hindi rin pwede na hindi ako magtrabaho”,

ang naging saad nga ni Lola Felicidad.

Photo credits: GMA Network | I-Witness

Na-ikuwento nga ni Lola Felicidad kung bakit ganitong sitwasyon ang kinahitnan ng kanyang buhay, na siya’y mag-isa lamang sa kanyang buhay hanggang sa kanyang edad ngayon.

Batay nga sa naging kwento ng 101-taong gulang matanda, noong kanyang kabataan, ay wala siyang gaanong hitsura na hinahanap ng mga kalalakihan, kaya naman walang sinuman ang nagtangkang manligaw sa kanya o magkagusto man lang, kaya siya’y tumandang dalaga, at mas pinili na lamang ang mamuhay mag-isa at tulungan ang kanyang pamilya.

Photo credits: GMA Network | I-Witness

“Walang nagkagusto sa akin, kasi ang pangit-pangit ko.”

“Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano”,

ang naging salaysay nga nito.

Si Regina Cabico naman ang naging tagapag-alaga ni Lola Felicidad, kung saan base kay Regina, ang kanyang asawa ay malayong kamag-anak ng matanda at sinuimulan niya itong alagaan noong ito ay ay 94-taong gulang pa lamang.

Photo credits: GMA Network | I-Witness

Ayon pa nga kay Regina, ang mga pamangkin ng matanda ang nagbibigay sa kanya ng sweldo, dahil sa pag-aalaga niya kay Lola Felicidad.

Mapapansin naman sa lumang bahay ni Lola Felicidad, na ito ay puno ng mga lumang larawan ng kanyang mga kapamilya.




Ibinahagi pa nga ni Lola Felicidad na dahil siya ay namuhay mag-isa ay nagawa niyang tulungan ang kanyang mga kapatid na maging matagumpay sa buhay.

Photo credits: GMA Network | I-Witness

“Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko ‘yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?”, saad nga ni Lola Felicidad.

Sa kabila ng mag-isang pamumuhay ni Lola Felicidad, dahil sa siya’y hindi nagkaroon ng kanyang sariling pamilya at tumanda na lamang mag-isa, ay isang malaking biyaya naman siya para sa kanyang pamilya, dahil sa malaking tulong na ibinigay niya para sa mga ito.

Photo credits: GMA Network | I-Witness

Ngayon nga, ay nag-iisa lamang si Lola Felicidad sa kanyang buhay, ngunit sa kabila nito ay nandiyan naman ang kanyang mga pamangkin, na anak ng kanyang mga kapatid na handa siyang alalayan.

error: Content is protected !!