Bagets na bagets nga ang dating ng isang K-drama fan sa pagdiriwang ng kanyang 70th Birthday, matapos magkaroon ng Park Seo-Joon-themed party.
Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang masugid na tagahanga ng K-drama na si Aurelia Galarrita o mas kilala ng kanyang mga kaibigan sa tawag na Batch. Ito nga ay matapos siyang ipaghanda ng kanyang anak na si Mel Galarrita Menes ng isang birthday party na hindi niya inaasahan. Tila nga nakasama ni Mommy Aurelia ang paborito niyang Korean actor na si Park Seo Joon sa kanilang tahanan sa Muntinlupa City dahil sa life-lized image standee nito.
Ayon sa kwento ni Mel, nagsimula ang pagkahilig ng kanyang Mommy Aurelia sa panonood ng K-drama magmula nang magkaroon ng quarantine. Dahil nga, hindi makalabas ng bahay at hindi rin mabisita ang kanilang ina, ay tinuruan umano ito ng kapatid niya na kasama ni Mommy Aurelia sa bahay na manood ng Netflix at Viu. Sa panonood nga ng K-drama ay nabigyan ito ng kaligahayan, at ang pinakapaborito umano nitong Korean actor ay si Park Seo Joon.
Kaya naman, upang mas lalo pang mapasaya ang kanilang ina sa kaarawan nito, nagdesisyon silang magkakapatid na surpresahin ito ng isang birthday party na may temang Park Seo Joon.
“Dahil gustong gusto n’ya si PSJ, nag-decide kaming magkakapatid na i-surprise siya sa birthday niya na ‘yun ang theme.”
Dahil nga sa pandemya ay hindi makadalo ang ilang kaibigan at kamag-anak ni Mommy Aurelia sa kanyang kaarawan. Kaya naman, ipinagdiwang na lamang ang espesyal na araw nito sa pamamagitan ng Zoom party kung saan napakarami ang dumalo. Maliban nga sa kanilang pamilya, ay dumalo rin sa nasabing Zoom party ang kanyang mga kaibigan sa highschool.
Pag-amin nga ni Mommy Aurelia, ay certified fan siya ni Park Seo Joon dahil nga bukod raw sa napakagwapo at mahusay itong aktor, ay isa rin itong mapagmahal na anak.
“It may be hard to believe that at my age, I am a confessed die hard fanatic of Park Seo-Joon. He is not only good looking, he is not only an excellent actor, he is also a loving son, he is modest, amiable and acts as though he is clueless as to his popularity”.
Ayon pa nga Mommy Aurelia, ay talagang labis ang kanyang paghanga kay Park Seo Joon kung saan ay ilang ulit na niyang napanood ang mga drama at videos nito, at hindi talaga siya nagsasawa. Hindi rin akalain ni Mommy Aurelia, na magiging ganito kasaya ang kanyang kaarawan ngayong 70th birthday kaysa noong nakaraang taon.
Labis ngang nasurpresa si Mommy Aurelia, at hindi matawaran ang kasiyahan sa surpresang handog ng kanyang mga anak sa kanya. Kaya naman, ganun na lamang ang kanyang pasasalamat sa kanyang pamilya, at mga kaibigan.
“I used to think that there can be no one more obsessed with this dream superstar than I am. I could watch his dramas and videos many times over, and still eagerly want to watch more. Dear family, friends and fans of Park Seo-Joon, thank you very much for your kind birthday greetings and awesome reaction to the posts. I never imagined that my 70th birthday can be this fun, and more memorable than the last 69.”