Bago pa man pumanaw ang sikat at hinahangaang vlogger na si Lloyd Cafe Cadena, ay tinupad niya ang isa sa pinapangarap niya para sa kanyang pamilya, ang makapagpundar ng sariling bahay na magiging tahanan ng kanyang pamilya.
Bagama’t wala na si Lloyd sa piling ng kanyang pamilya, ay hindi naman hinahayaan ng mga ito, na mapunta sa wala ang pinaghirapan ni Lloyd, lalo na ng kanyang ina na kilala sa tawag na Mother Kween.
Si Mother Kween ay isa na ring vlogger, at sa kanyang mga vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ay patuloy ang pagbibigay niya ng update sa mga kaganapan sa kanilang buhay, lalo na sa mga bagay na pinaghirapan ni Lloyd. Kabilang na nga rito ang bahay na naipundar ng yumaong vlogger.
Nito lamang ika-20 ng Oktubre, ay masayang ibinahagi ni Mother Kween ang mga pagbabago at dapat ayusin sa kanilang tahanan. Ayon naman kay Mother Kween, ang nais talaga ni Lloyd bago pa man ito mawala ay mapaganda ang bahay. Kaya naman, unti-unti na umanong pinapaayos ni Mother Kween ang bahay na nagsisilbing alaala ni Lloyd sa kanila.
Ayon kay Mother Kween ay marami siyang ipapaayos sa bahay. Isa na nga rito ang gate na pinagawa nila ngunit hindi naman nagtagal ay nasira, kung kaya’t nakatali lamang ito ng plastic pansamantala upang huwag mabuwal ng hangin at may magsilbi parin silang gate.
Ang mga bintana at pintuan naman ay papalagyan ng screen at grills ni Mother Kween upang huwag makapasok ang mga langaw at lamok. Nang mga oras nga na iyon, ay makikita na nagpapasukat na ng mga bintana at pinto si Mother Kween upang magawan na ng screen.
Mapapansin naman na habang ipinapakita ni Mother Kween ang mga halamang itinanim ni Lloyd, ay tila naging emosyunal ito. Ayon nga rito, ang mga itinanim noon ni Lloyd, ngayon nga ay namumulaklak na. Ang malunggay naman ay mayabong na at nakukuhaan na rin nila ng dahon.
Ibinahagi rin ni Mother Kween ang kusina kung saan makikita ang mga kabinet na ayon sa kanya ay hindi niya gusto ang pagkakagawa. Kaya naman, kabilang ito sa ipapa-renovate niya kung saan ay may kinausap na siyang interior designer. Kasama rin sa ipapa-renovate ang garden, garage, laundry area at loob ng kanilang tahanan.
Hindi naman nakalimutan ni Mother Kween na magpasalamat sa mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya at sa kanilang pamilya. Nangako naman itong magbibigay ng panibagong update kapag nagsimula na ang renovation ng kanilang bahay.
Matatandaan na pumanaw si Lloyd noong Setyembre 4, 2020 dahil sa heart attack na ikinagulat ng marami niyang tagahanga at tagasuporta.